frustrations

?nakakafrustrate yung thought na pinaparamdam ng MIL mo na di mo kasundo na mahigpit ka. Well sinabihan ako ng MIL ko at ng SIL ko na masyado daw akong maraming batas. Masama po ba ako na di ko talaga kayang suportahan ang asawa ko na magsabong. Ayoko sya magsabong at pinagbabawalan ko syang magsabong. Ang rason nya libangan, pero kahit kelan talaga di ko yan matatanggap. Sa pag aalaga ng manok panabong and pagbibreed nya full support ako, pero pag talaga about sabong, malaking EKIS ako don. Pero ang nanay nya suportado sya syempre anak sya eh. Hayst! Sa pag inom naman di ko sya pinagbabawalan, kahit magsawa sya basta alam nya na pag lasing na o di na kaya umuwi dahil nasagad, magpalipas muna ng pagkalasing. Pwede sya magstay sa barkada nya until mahismasmasan nya kasi concern ko lang naman safety nya. Di din ako madalas magtext or call para mag update kung ano ginagawa nya. Ako pa nga nagpupush sakanya maki bonding sya sa friends nya para may social life sya. Yung paninigarilyo lang talaga din ayaw ko. Pinagawayan namin yan isang beses nahuli ko sya. Pero yung SIL at MIL pa nakalaban ko, ok na kami ng asawa ko pero yung SIL at MIL di makamove on. Hay tas ngayon pinalalabas nila na wala akong respeto kasi di ko daw sila pinapansin, yung MIL ko nagbbless ako sakanya pero ilag sakin. Talagang umiiwas. si SIL naman sabi pa ng MIL ko sa hubby ko masama daw loob sakin kasi di ko pinapansin. Eh pag pinapansin ko naman like nagpapaalam halimbawa aalis ako na andito sya sa bahay, taas noo pa na akala mo kung sino. Yung ipaparamdam sayo na ayaw sayo. Hayst gusto nila pansinin ko sila pero alam nyo yung feeling na ikaw na nagrireach out tas sila pa lumalayo at nagpapahabol, gusto talaga nila pasukuin ako. Ano yon? Hanggang kelan? Kaya mas gusto ko tuloy na di sila nakikita. Nakakapagod kasi.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi ba kayo nakabukod mamsh?

6y ago

Nakabukod kami, kaso madalas din nandito lalo si MIL. Yung tinitirhan kasi namin, dating bahay nila. Tas mga masasama din ugali ikalawang sister nya at pamangkin nya. Yung isang sister yung panganay, kahit papano nakakausap ko kasi yon wala naman paki like di gumagawa ng issue di lang ako magsalita wala ng respeto. May times kasi na tahimik lang ako, pero non kahit na di ako makwento ginagawa ko naman lahat para walang dead air nong OK pa kami. Pero nong totally sila yung umiwas sakin, naiilang na ako sa kanila.