frustrations

?nakakafrustrate yung thought na pinaparamdam ng MIL mo na di mo kasundo na mahigpit ka. Well sinabihan ako ng MIL ko at ng SIL ko na masyado daw akong maraming batas. Masama po ba ako na di ko talaga kayang suportahan ang asawa ko na magsabong. Ayoko sya magsabong at pinagbabawalan ko syang magsabong. Ang rason nya libangan, pero kahit kelan talaga di ko yan matatanggap. Sa pag aalaga ng manok panabong and pagbibreed nya full support ako, pero pag talaga about sabong, malaking EKIS ako don. Pero ang nanay nya suportado sya syempre anak sya eh. Hayst! Sa pag inom naman di ko sya pinagbabawalan, kahit magsawa sya basta alam nya na pag lasing na o di na kaya umuwi dahil nasagad, magpalipas muna ng pagkalasing. Pwede sya magstay sa barkada nya until mahismasmasan nya kasi concern ko lang naman safety nya. Di din ako madalas magtext or call para mag update kung ano ginagawa nya. Ako pa nga nagpupush sakanya maki bonding sya sa friends nya para may social life sya. Yung paninigarilyo lang talaga din ayaw ko. Pinagawayan namin yan isang beses nahuli ko sya. Pero yung SIL at MIL pa nakalaban ko, ok na kami ng asawa ko pero yung SIL at MIL di makamove on. Hay tas ngayon pinalalabas nila na wala akong respeto kasi di ko daw sila pinapansin, yung MIL ko nagbbless ako sakanya pero ilag sakin. Talagang umiiwas. si SIL naman sabi pa ng MIL ko sa hubby ko masama daw loob sakin kasi di ko pinapansin. Eh pag pinapansin ko naman like nagpapaalam halimbawa aalis ako na andito sya sa bahay, taas noo pa na akala mo kung sino. Yung ipaparamdam sayo na ayaw sayo. Hayst gusto nila pansinin ko sila pero alam nyo yung feeling na ikaw na nagrireach out tas sila pa lumalayo at nagpapahabol, gusto talaga nila pasukuin ako. Ano yon? Hanggang kelan? Kaya mas gusto ko tuloy na di sila nakikita. Nakakapagod kasi.

5 Replies

May mga pakealamera po talaga.. Nakakasama na lang din ng loob.., pero asawa ka eh dapat alam na nila un sil at mil mo.hindi naman tropa lang ng anak nila ung nag babawal, kahit ako ayoko nag sasabong sugal un haist tas pati paninigarilyo hate ko rin yan pero buti hubby ko wala rin hilig sa ganyan hehe,.. Momsh pag usapan nyo na lang po mag asawa yan about sa sil at mil mo asawa ka kamo nya pag tanggol ka naman nya sa kanila..

Yung pag sisigarilyo po matagal na sya nagstop. Kaso isang beses ewan ano pumasok sa isip at nagyosi. Eh naamoy ko. Malakas kasi pang amoy ko so kahit anong deny nya wala. Tingin ng pamilya nya, MIL at SIL na ina-under ko eh mismong asawa ko nga nagsorry na at nagpromise na di uulit. Ok na kami pero yung dalawa ewan. Binibrainwash din ni SIL si MIL

VIP Member

Wla k po mggwa s mga gnyan, xe ugali n nla yan ee un mliit lng n issue peo bg deal sknla.. Libangin mo nlng srili mo pra hnd mo dn cla maicp, mei gwen k man mgndan sknla qng hnd k nla gsto baliwala lng dn.. Bsta be urself.. Hayaan mo nlng cla.. Mei mga gnyan tlgng tao..

Oo sis kahit nakakastress din balewalain. Oarang kahit anong bait mo useless eh. Siguro mas matatahimik ako kung yung bahay namin amin talaga. Yung pupunta sila MIL sa bahay namin as bisita hindi yung pupunta dahil uuwi sa dati nyang bahay. Yung hindi tipong pupunta dito samin pero sa tabi tabi lang o sa likod na parang dedma tas ikaw ang susunud sunod kung asan sya na nababahaw na yung pagbibigay galang mo kasi di ka aware na matagal na pala sya dyan tas palalabasin na wala kang galang na tao. Nakakaiyak sis sobra. Yung buong buhay ko sipa lang nagparamdam sakin nito na apektado ako kasi pamilya sila ng asawa ko. Ang saklap lang.

Ipagpray mo nalang po sila. And focus ka nalang sa mga anak nyo mamsh, alam mo naman yung tama at mali kaya wag mo na istressin sarili mo sa mga yon. Pero maging mabait ka pa din. Para walang masabi sayo, kahit ano gawin nila pananagutan na nila yon :) be strong mamsh.

Soon to be mom pa lang po🙂 pinagbubuntis ko pa lang first baby namin.

Learn the ART OF DEADMA😊

Opo sis. Natututunan ko na yan sis. Actually magaling ako dyan dati. Yung parang wala lang. Pero di nagmamaldita. Kaso may nasasabi pa din talaga si SIL. Kaya sabi ng asawa ko nong nag usao kami, pag may enough na kami para sa sarili talaga naming bahah na malao dito at hindi yug minana nya lang, eh aalis na kami. Bahala na daw sila.

VIP Member

Hindi ba kayo nakabukod mamsh?

Nakabukod kami, kaso madalas din nandito lalo si MIL. Yung tinitirhan kasi namin, dating bahay nila. Tas mga masasama din ugali ikalawang sister nya at pamangkin nya. Yung isang sister yung panganay, kahit papano nakakausap ko kasi yon wala naman paki like di gumagawa ng issue di lang ako magsalita wala ng respeto. May times kasi na tahimik lang ako, pero non kahit na di ako makwento ginagawa ko naman lahat para walang dead air nong OK pa kami. Pero nong totally sila yung umiwas sakin, naiilang na ako sa kanila.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles