Ok lang ba maging introvert mommy?

Nakaka drain pala kapag pinilit mong makipag socialize sa ibang tao. Ganun pala kapag nanay kana gagawin mo kung ano makakapagpasaya sa anak mo kahit di mo na iisipin ung sarili mo. Ang hirap pala maging introvert 😢 sino po same ko dtong mommy? Paano niyo po nahahandle ung situation esp nung naging mommy na, di nalanh sarili mo ung iisipin mo, anak mo na.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. I only try to focus on myself and my daughter. If may makikipag-usap kakausapin, if wala, tahimik lang and smile-smile. But if dalawa kaming mag-ina. Nakikipaglaro at nakikipag-usap ako sa anak ko, pero kapag focus siya sa laro niya at huminto na siya nangkakausap sa akin, I take that opportunity to rest.

Magbasa pa
2y ago

Kailangan mong tanggapin na kahit anong gawin mo, mabuti man o masama, kung gusto ka ijudge ng tao, ija-judge kanila. Nasa kanila na yun, wala sayo. I also have that fear kaya nakikipag socialize ako, kung hindi man yung presence ko andoon, imagine kung gaano ka-energy draining ang umupo sa crowd tapos pa-smile-smile lang. Pero ganon talaga, na-judge parin ako as hindi namamansin or hindi bumabati, which for me mahirap gawin esp kung hindi ko kilala yung tao, at ayoko rin mapahiya na pinansin ko tapos hindi ako pinansin. And for me it takes a lot of energy to physically and verbally greet everyone and anyone. What I'm saying is, hindi natin mako-control utak ng tao. Kaya instead na mag focus ako sa sasabihin nila, focus na lang ako sa sarili ko at sa anak ko. Kami naman makikinabang ng ginagawa namin hindi naman sila.