Morning sickness

May nakaexperience po ba sainyo na sobrang pagsusuka, na kada kain kahit konti lang ay nagsusuka? Ano po ginawa nyo? 12weeks pregnant po ako. Thank you

31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Maasim mommy. Pero small amount lang kasi baka tumaas acid mo. Yung home remedy ko diyan is lemon and ginger. Effective siya. Try mo din isearch po. 😊

VIP Member

Kain pa din... pagkasuka kain ulet.. tas saken kase tuwing hapon lang ako nagsusuka at super sensitive ang pang amoy. Kaya paglunch nakain ako ng ayus.

5y ago

Sabe naman pagganyan daw mataas hormones mo.. so mas healthy si baby sa loob. Kaya bawi na lang ng kain pagkaya.. tas puros healthy lang kainin.

Pa resta ka po gamot sa ob sis,ako nun kahit tubig sinusuka ko na admit pa nga ako last april 3month na tiyan ko, na dehydrated na ko,,,

yes po 1 to 3 months ko ngayon sa 2nd baby ko lagi akong ganyan luckily nabawasan hanggang natanggal na nung nag 2nd trimester ako

WARM soup/foods yung halos everyday food ko nung First Tri dahil nagsusuka talaga ako pero nawala din naman nong middle of 2nd tri

Ganyan din po ako 11 weeks pregnant. Tapos pag nasobrahan sa tubig suka na agad. pag hindi naman umiinom ng tubig naghihina ako😢

4y ago

Oo nga po lalo na po sobra init ng panahon. Kaya po ako naghihina pakonti konti nalang iniinom ko para hindi na laging nagsusuka. More on fruits nalang po😊

Ako po candy lang nagresearch kc aq pwede ginger or ginger na candy so i take gingerbon candy or ung extra na sugar free.

kumakain ako tinapay. and pinipilit kumain kahit nag Susuka at wlang gana. mas masakit kc sumuka pag wlang laman tiyan

4y ago

maligamgam na water na may lemon po. malaking tulong sya para mabawasan morning sickness mo momsh. then Yung balat nya Amoy amuyin mo pag medyo nahihilo ka or may naamoy ka na nakakapag pasuka sayo. makakatulong po sya. 😊

Ganyan din po ako.. Meron pa yung sa umaga na kapag nasusuka ka pero wala kang mailabas.. Hayssss..

VIP Member

Normal lang yan momsh sakin kakain parin ako kahit kunte tas more on fruits ka naLng momsh.