Pa Share & Advice po

Naka tira po kasi kami ng LIP ko sa bahay nila masaya naman kasi pamilya talaga turing ng mga magulang nya sakin pati ng mga kapatid nya. Pero nung nabuntis po ako. Pinauwi ako ng mama ko sa bahay. Kahit parang ayaw ko sumunod padin ako kasi gusto nya sya daw mag alaga sakin ngayong buntis ako. Kaya lang yung bahay namin parang nakaka stress na okay namam kasi. May iba pang naka tira maliban sa mama ko sa partner nya at sa kapatid ko (bunso, 2 lang kami mag kapatid). Yung isa Buong pamilya may 6months old na baby tapos may 2 yrs old na baby, then yung isa naman kapatid ng partner ng mama ko may 3 months old na baby at may 9 yrs old na anak. Yung unang pamilya di naman namin kaano ano kaibigan lang ng mama ko. tapos ang nakaka inis kami pa ng kapatid ko parang nakikitira sa bahay. Yung bahay kasi namin na inuupahan may 2 kwarto. yung isa sa mama ko at sa partner nya. yung pangalawa samin dapat ng kapatid ko eh. simula nung nag work ako dun na ko tumira sa LIP ko kaya ang nang yare yung 2nd na kwarto nahati so yung 2 pamilya na nabanggit ko sila ang nandun. ngayon kami ng kapatid ko nasa may sala lang ginawan ng parang double deck na higaan na isang tao lang talaga kakasya. nakaka panibago kasi kung kailan nabuntis ako ganon pa higaan ko. unang tulog ko sobrang init kasi yung fan ko yung maliit lang. Kaya yung LIP ko gusto na ko pabalikin sa bahay nila kasi mas maayos naman talaga tinutulugan ko kasi may sarili kaming kwarto. Kahit ako gusto ko din sana bumalik kaso iniisip ko magagalit mama ko. Malapit na din kasi kabwanan ko kaya tiis tiis muna ko. Nakaka stress po talaga kasi yung 2 yrs old na baby sobrang ingay tapos yung asawa nung kapatid ng partner ng mama ko tuwing galing sa work walang proper hygiene alam naman na may covid ngayon di nag iingat puro rashes na nga anak nila pag uuwi galing sa work kung hindi nya kayang maligo kahit man lang sana mag bihis sya tapos mag alcohol wala talaga. eh yung LIP ko nga kahit sa bahay lang nila galing talagang disinfect lahat ng gamit nya na dala nya pati sya. pag galing syang work di ko sya pinapapasok hanggat di sya nadidisinfect. napaka careless nila tapos parang burara pa. sa tingin nyo po okay lang naman na medyo mag higpit ako diba? nakaka ilang strike na sila kasi sakin eh. parang kami pa ng kapatid ko makikisama sa kanila. Alam ng mama ko na medyo may pagka maldita ko ayaw ko lang muna sila pakialaman kasi baka mastress lang ako lalo. pero grabe na talaga eh. Di ko naman masabi sa LIP ko kasi nagagalit sya gusto nya na ko pauwiin sa kanila. Di ko na alam gagawin ko eh. ka stress lang #advicepls

15 Replies

VIP Member

For me lang momshie ha I think kung saan ka mas comfortable dun ka kasi si baby din mahihirapan kung diyan ka. At di ba much better kung magkasama kayo ng LIP mo?

Balik ka na dun maiintindihan ka naman ng mama mo. Di ka na nga dapat na stress kailangan relax ka lang lagi kaya uwi na kay LIP 😊

Balik k nlng momsh s LIP muh mas importante ung safety nyo ni baby kesa s galit ni mama muh maiintindihan dn nya un for sure kausapin mu nlng ng maayos

safety first po, tsaka maiintindihan dpat ng mama mo, crowded na kayo masyado, its not safe for you, kung saan mas safe kayo ni baby dun kapo

Ask yourself kung ano ang mas importante. Yung mararamdaman ng mama mo or You and your baby? Then decide,that's it!

balik kna momsh sa LIP mo

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles