Obligasyon ba?

Tanong ko lang po kung obligasyon ba naming mga pamangkin na pakainin o alagaan ang mga kapatid ng mga magulang namin?, Meron po kasing kapatid ang mama ko at nakatira kami sa iisang bahay nung gabing kumakain kami ng mama ko dumating ang tito kong lasing inaaya sya ni mama na kumain at ang sabi nya pa samin "wag na ipakain mo nalang sa boyfriend nya" which is boyfriend ko, madalas kasi nandito ang boyfriend ko dito sa bahay at dito narin sya nakain ang pinang kakain namin is nag aambag kami hindi kami nanghihingi sa mga kapatid ni mama para sa pang kain namin kundi sarili naming pera, nung lasing ang tito ko nag dadabog na sya at pinag mumura kami ng mama ko and pinapalayas kami sa bahay kahit hindi naman sakanya yung bahay kundi sa magulang nila, ganun lagi ginagawa nya kapag lasing nag dadabog kapag wala syang makitang pag kain sa lamesa at kung ano ano mga sinasabi one time sinabi nya sakin na bakit hindi ko daw hindi pinapakain yung isa nyang kapatid na merong problema sa pag iisip walang ginawa kundi mag bigay ng stress samin ni mama kaya nawalan nako ng gana na pakainin sya actually 6 silang mag kakapatid, kaya ang question ko obligasyon ko bang alagaan o pakainin ang kapatid ng mama ko? Nasa batas po ba yun?

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Hindi ko alam sa paniniwala niyo ah, pero sa paniniwala namin sa religion namin, it’s important to uphold and maintain ties of kinship by visiting, giving charity, treating them kindly, visiting them when they are sick, enjoining them to do what is good and forbidding them to do what is evil etc. If ever kami ang may blood relatives na may kapansanan, eh aalagan namin. So in short, sa religion namin obligasyon siya 😅 kaya hindi talaga ito questionable. Hope may iba pang makasagot ng question mo na same sa beliefs niyo.

Magbasa pa

hindi naman sa obligasyon pero parang oo na din pero "mas" obligasyon yun ng mother nung may kapansanan and mga kapatid nya..eh ang kaso dun ikaw ata naiiwan sa bahay so parang obligasyon mo na nga.hehe pero kung ganyan ang trato sayo ng tito mo.very wrong! minsan kasi hindi mo naman na need kwestunin kung obligasyon mo ba sya o hindi hindi lang talaga maganda samahan nyo jan sa bahay gaya ganyan siguro naiisip mo

Magbasa pa

bat po di kau bumukod ng mother mu? para na din sa peace of mind mu kc ang toxic lang. o baka namn ngbibigay din namn cla tas wala cla aabutang pagkain magagalit talaga cla nyan.

7mo ago

hindi lang naman po ako yung pamangkin nya bakit sakin sila nagagalit, marami rin naman po silang mag kakapatid na maganda ang buhay