Usapang Kasal
Naiisip nyo na ba magpakasal? Pero natatakot. Good Provider naman sya. Pag dating kase sa emotional hindi sya aware sa PPD. and also ganun daw kapag lalaki bawal sa kanila ang mahina. Lagi naman kami pumapasyal at nagsisimba. Hindi kulang alam bakit di ko ma feel ang ikasal pero gusto ko sya mangyare sakin. Inisip ko wala naman ako maysadong kamag anak or kaibigan kase malalayo sila para ma imbita. Sa side lang ni hubby madami.

Hello mii, kami ni bf mag 5 yrs sa November, nagplan kami magbaby this yr and thankfully binigay agad, currently 13weeks si baby, pero nung nalaman namin na preggy ako, siya nagbanggit na magpakasal kami kahit simple lang muna kasi balak niya magwork abroad, ako everything is ok so agree lang ako, di naman ako mademand sa ganon ayoko ng napipilitan kasi di biro ang kasal, also teacher ako, bawal hindi kasal pag may baby. And ilang beses ko na din siya nahuli nagloko, thru chats/fb/mssngr, laki ng effect mii, until now di ko masabi na fully healed or buo na tiwala ko, kasi kahit ano gawin natin, pag magloloko, magloloko yan, kaso iba na situation now, alam ko kapag nagloko siya, kasal man o hindi, may laban nako kasi may baby na sa tummy ko, di ako papayag maagrabyado. He is not that good sa pag intindi sa problems esp sa reasoning ko abt sa bayarin ko, minsan nag aaway kami kasi ayoko ng nakikialam at di pa naman kami kasal, gusto ko done muna ko sa personal ko bago ikasal. Pero magaling siyang provider, kahit walang pera basta para sa baby at sakin, go siya. Masipag maghanap ng pagkakakitaan, matyaga maghanap ng work. In terms of emotional, di rin niya naiintindihan pero he is asking and trying to listen. Dati hindi siya ganon, but he changed, kahit papano may initiative na siya makinig, esp sa mga nararamdaman ko at buntis ako, aware din siya sa PPD dahil pinapanood ko sa kanya yung mga sa fb. Pakonti konti, expose your bf para magkaidea siya, wag ka mapagod magkwento at magshare, kasi once sumuko ka, wala ng relationship na mangyayari. 😊 try hanggang sa magawa mo part mo 💖
Magbasa pa


I can do all things Through Christ who gives me strength to face anything