Naiinsecure din ba kayo kapag nakakakita kayo ng couple, tapos si girl sobrang fresh at maganda outfit? Tpos, bigla kang mag c-cr to check yourself if you look fresh or Haggard! Haha

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

No. Wala naman sila sa katayuan ko, or ako sa kanila, kaya natural lang na magkakaiba tayo ng itsura/pananamit/haggard level 😅 I dress up to make myself feel happy, kebs na how it compare to others. Basta ako ok ako sa kung anong itsura ko haha. Tsaka yung mga outfit, pagka-fresh etc magagawa ko rin naman kapag hindi na ko buntis at nakaadjust na kami sa pagdating ni #2. Pansamantala lang naman ang kahaggardan nating mga nanay pero makaka-awra din tayo 😂 Tsaka tinigilan ko talaga yung negative self talk kasi baka makuha ng babies namin. Gusto ko maging masaya sila sa itsura nila. Kaya ayokong maririnig nila sa amin ng daddy nila na kini-criticize namin ang itsura namin. Positive affirmations are important ❤️

Magbasa pa

Syempre naiinggit, napanood ko ung interview ni Victoria Beckham and secreto nya daw ay good nanny, buti pa sila afford nila nanny and syempre mas gusto ko talaga hands on sa mga anak basta si hubby ok lang kahit itsura ko I dont have to worry

no, kasi kahit nagbago mn katawan ko, hindi naman pinaramdam ng asawa ko na ang pangit na nang katawan ko, pinaramdam niya sa kin na kahit ganito ay mahal niya pa rin ako at hindi yun magbabago kahit marami pang magaganda jan

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-31224)

ako napapa sana all ng buntis glowing 😂.ako kase sobrang nangitim leeg, batok ko. plus nangitim mukha may melasma and chloasma 😭😭. 36 wks here. onting tiis nlng.

Me im not insecure ok lang sakin kahit maitim leeg ko now nangutim ako kasi preggy ako confident ako sa sarili ko kasi iba nmn tayo ng looks kapag nagbubuntis

nope.. ahaha kase nasa isip ko kaht simple lng ang ayus ko suRe naman Akong desente at maayos akong tgnan😊. ska ngdadamit lng aq ng naAayun sa Mood ko. .

Mula nagka anak ako for some reason hindi na ko na iinsecure. Parang okay na ko. Masayang masaya at contented na ko na may anak ako.

No. hahahahaha! hindi ko kasi pinag papapansin mga nakakasalubong ko. plus di naman natingin si mister sa iba so all goods 😂

tamang tingin lang , iniisip ko nalang baka pan labas lang haha nag husga agad. i mean may kanya kanya kasi tayong ganda. :)