Catherine Marata-Requinto profile icon
GoldGold

Catherine Marata-Requinto, Philippines

Contributor

About Catherine Marata-Requinto

Preggers

My Orders
Posts(3)
Replies(109)
Articles(0)

Birthing story

Hi po, share ko lang po yung panganganak story ko. Kasi gusto ko lang din po mag inspire sa iba. Baby's name : Alexa Yliese Born : May 26, 2021 EDD: June 8, 2021 May 25, pumunta kami sa birthing center kung saan dun ko gustong manganak for pre-natal check up. Ini-IE ako at 2 to 3 cm pa daw ako at sinabihan na balik ako agad sa May 28 pero pag nag start na akong mag-labor ay pumunta na agad ako sa kanila. Pagdating namin sa bahay, sobrang bigat nang puson ko kaya nagpahinga ako nang mga ilang minutes lang, at nawala lang din naman yung sakit. Thinking ko baka cramps lang yun dahil sa byahi at dahil malayo bahay namin sa birthing center at naka-motor lang kami. Kina-umagahan, sinabi nang husband ko na ma agi kami maglalakad. Maaga akong nagising at parang feeling ko ang bigat na naman nang puson ko na para bang may kung anung humihila pababa at parang ayaw ko na maglakad. Pero itinuloy pa din namin yung paglalakad-lakad kasi parang okay pa din naman ako. Hanggang 10 am, parang feeling ko mas lalo syang bumibigat. Kaya tumawag ako sa mama ko, kung sign of labor na ba yun, kasi di ko napansin kung may mucus plug na bang lumabas o anu, pero panay check ko naman yung panty ko, wala naman. Medyo basa lang sya kasi sa urine ko. Hanggang sa tumanghali, at parang sumasakit na balakang ko, at may consistency na yung pagsakit niya. Kaso, nagdadalawang isip akong pumunta sa birthing center kasi baka pa uuwiin lang ako, dahil di ko alam kung naglalabor ba talaga ako. Until 2pm at nag decide kami na pumunta na doon kasi, feeling ko hindi lang simpleng sakit nang balakang yung nararamdaman ko. Dumating kami sa birthing center nang 3:20pm sa birthing center at ini-IE ako agad, at dun nalaman ko na nagla-labor talaga ako at nasa 6cm na pala ako. Hanggang sabi nung midwife, na sisikapin namin na lumabas si baby bago mag gabi. Panay squating ko hanggang sa 4pm naging 7cm, at 5pm naging 8cm, kaso nung nasa 8 na sya, sobrang sakit na niya, na para bang mabibiyak na talaga balakang ko, kaya inutusan ko yung mister ko na bilhan ako nang dalawang pineapple juice at nilagyan din nang midwife yung pwerta ko nang evening primrose, hanggang sa 6:20 pumutok yung panubigan ko. Kaya sabi ko sa mister ko na tawagin yung midwife, e sa atat na atat akong manganak na eh, nilakad ko from my bed to the delivery room kahit medyo kailangan pang umikot sa kabilang room. Syempre nakaalalay sa akin mister ko hanggang sa nakapatong na ako dun sa bed nang delivery room. Sakto pagkapatong ko e nag contract na naman sya at pina-push na ako agad nung midwife, sa awa nang Diyos, sa ilang push ay lumabas agad si baby. At kahit man ay sobrang na cord coil sya like 3 layers talaga, at kahit sa biwang ay kailangan ko pa syang e push kasi nga, na stock si baby dahil sa pagka-cord coil niya to the point na nangingitim na yung mukha niya nung lumabas. Thanks God kasi safe at nakaya namin ni baby na mag normal delivery, kahit medyo may kalakihan sya at risky kasi na cord coil sya, buti nalang mataas yung cord at nagawa niyang umabot hanggang sa labas. 6:30pm lumabas na ako nang delivery room, at dahil sabik akong makatabi baby ko, sa sobrang atat kona naman, nilakad ko with the assistance of midwife, from delivery room to my bed. May wheelchair naman sila, pero feeling ko naman kaya ko maglakad despite sa tahi, kaya nilakad ko, kahit medyo distant sya nang kaunti. Shi-share ko po tong story ko, para po maka pag inspire din po sa ibang momshies. Oo at hindi ho talaga madali ang maglabor at manganak. Pero kaya niyo po yan, lalong lalo na sa mga 1st time momshies like me. Pero pray lang po talaga. Kasi althrough out my pregnancy journey yan lang po talaga ang dasal ko na sana, normal delivery lang kasi wala kaming pera, nakasalalay lang yung panganganak ko sa philhealth ko, nung nagbuntis ako may work ako kaso nag end din nung march, di na-renew contract ko kasi buntis ako at di ko magagampanan yung trabaho ko pag na sa bahay lang ako, at ang mister ko naman, wala ring maayos na trabaho dahil nga sa pandemic. Kaya medyo naghirap talaga kami, kaya pray ko talaga safe, normal and healthy lang si baby at ipo-protect sya ni Lord sa buong buhay niya kaht na sa sinapupunan ko pa sya, at yun nga hindi ako binigo ni Lord sa prayers ko, kasi yung nangyari sa amin, may possibility na talaga na ma-cs ako dahil nga nag cord coil si baby nang sobra, at lumabas agad si baby bago pa man may mangyari masama sa kanya inside my tummy kasi nga nag violet-ish na yung mukha niya. Kaya momsh, kung ikaw ay kinabahan or may fears pray mo lang kay Lord, e-cocomfort ka niya. 😊. TIL HERE NALANG MGA MOMSH 😊#firstbaby

Read more
Birthing story
 profile icon
Write a reply