Advice Lang po

Naiinis ako minsan Kay hubby. Lalo na pag gusto Kong bilhan ng new toys new clothes si Lo kase karamihan ng clothes nya is bigay ng mga tita nya (mga kapatid ko) pag nag oonline shop ako at gusto Kong bilhan si Lo ng educational toys para mas mahasa ung vocabulary ni Lo. Laging nyang sinasabi puro nlng ako gastos. Minsan sinabihan nya ko ng puro nlng ako gastos Hindi Naman mapapakinabangan ung bibilhin ko then sinagot ko sya Sabi ko para Naman Kay Lo kaya ko gusto bumili nun para mas matuto sya. Pero pinanindigan nya sa sobrang Sama ng loob ko nd ko sya inimik maghapun then next day nagchat saken ung hipag nya nagpapaawa effect magbibirthday na daw ung anak nya ala daw panghanda nd daw nila mabibilhan ng cake ung anak nila pinabasa ko sa hubby ko at ura urada syang nagpadala nung panghanda ng anak ng kuya nya.. samantalang kami ni Lo kinailangan ko pang mag online selling para may pandagdag sa ibibigay ng mga kapatid ko pang handa ni Lo ko. 2 months Lang pagitan nila mas matanda ung pamangkin nya. At Everytime na magkakasakit ung pamangkin ni hubby lagi kami Ang kinokontak manghihingi ng pangpagamot samantalang ung kuya ni hubby is kumikita ng 600 a day (driver ng backhoe). Ang pinagtataka ko lng ilang taon na silang nagiipon mag Asawa Wala pa rin silang naipon laging hingi samin sa kapatid ni hubby sa magulang ni hubby Ang ginagawa nung hipag nya which responsibilidad na nilang mag Asawa Yung tungkol sa anak nila. Fast forward.. Nakaraos sa 1st birthday si Lo thanks sa help ng mga kapatid ko. Last July opo matagal na merun ang sama pa rin ng loob ko. Kase dinagdagan nya nga ung pambili namin ng handa ni Lo may pasermon naman. Tas week after ng birthday ni Lo magbibirthday ung bunsong kapatid ni hubby. Which is ok Lang Naman sa kapatid nya ang nd maghanda.. inatake na Naman ng kakapalan ng muka ung hipag ni hubby at nanghihingi na Naman samin ng panghanda and right away nakapagpadala agad si hubby. Okay Lang saken ung responsibility no hubby sa parents at sa bunso nyang kapatid kase nag aaral palang kmi sinasabi nya na saken na tutulungan nya sila mamang nya sa pagpapaaral ng bunso nila at graduating kami nung nabuntis ako.. pareho Naman kmi nakagraduate. And I know his responsibility to his family sa nanat tatay at bunso nyang kapatid not including sa luho ng hipag nya.. Advice naman po kase habang tumatanggal lagi kaming nag aaway dahil sa sister in law nya. Kase Kung tutuusin nd na namin responsibilidad ung luho ng hipag nya, sa pagpapagamot ng anak nila tutulong kmi but nd kami Ang gagastos lahat. May sarili na din kaming pamilya at gusto Kong mabigyan ng magandang buhay ung anak ko. Porke 1st pamangkin 1st apo sa side ko dapat ung family ko na gumastos sa anak ko😓😓😓😓 #advicepls #theasianparentph #firstbaby #1stimemom

2 Replies

Baka kasi akala ng hipag mo ay ok lang sayo. Kung ayaw ka pakinggan ng asawa mo, kayo nalang po ang kumausap sa hipag nyo in a nice way. May karapatan ka kasi may sarili na kayong pamilya at future nyo or ni baby ang mahalaga. Di din kasi sila matututo dumiskarte sa buhay kung alam nila na lagi kaung maaasahan.

diretsuhin mo si Mr. wag kna mag sugar coat. ipkita mo lahat Ng ginastos Niya sa pamangkin Niya vs sa ginastos mo para sa baby mo. . kausapin mo lng Ng mahinahon pero direct to the point. I point mo din ano gusto mo mangyari. at ano gagawin mo pag Hindi masunod.. para aware siya

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles