Gusto ko lang maglabas ng sakit na nararamdamn ko
Naiinggit ako. Alam ko na masamang mainggit pero un talaga ung nararamdaman ko. ? Bakit ung iba napaka swerte sa asawa sa partner nila, ako hindi. Ung iba ginagawa lahat ng asawa nila para saknila ,ung iba mas inuuna ung pamilya kesa sa mga barkada o kung ano ano pa. E ako ung asawa ko? Wala. Ang liit liitng tingin sakin ng asawa ko dahil wala akong trabaho wala akong pera. ? Ngaun, mas nakikita ko na ugali ng partner ko. Oo mayaman sila, may kaya. Pero bat ganon? Parang wala syang pangarap para saming dalawa ng anak ko? Laging sinasabina ng asawa ko na andami nadaw nilang gastos saming dalawa ng anak ko. Ung pamilya kasi ng asawa ko gumastos sa kasal namin pati nung nanganak ako pati narin mga pangangailangan ng baby ko sila rin gumagastos. Lagi nyang sinusumbat sakin un. ?? Akala ng nanay ko maganda buhay ko sa asawa ko, akala ng pamilya ko sobrang bait ng asawa ko. Pero di nila alam ung sakit na nararamdaman ko ngayon. ? Feeling ko kawawang kawawa kami ng anak ko. ? Ni hindi manlang ako mabigyan ng pera ng asawa ko. Kung hindi pako uutang sa mga kaibigan ko nganga ako , Ung inuutang ko un ung inaabot ko sa magulang ko sinasabi ko nalang sakanila na bigay ng asawa ko, pero ang totoo ni piso di ako binibigyan. ?? Tapos eto pa, pag binigyan daw ung asawa ko ng bukid ng daddy nya bibili daw sya ng NMAX at nung kung ano anong luho ang gusto nya. Samantalang ako di nya maisip na bilhan manlang kahit isang damit o panty. , ??? magagalit pa sya kung bili ako ng bili ng mga gamit ng anak ko inuutang ko na lang ung pera na un para lang mabili ko at mabigyan ko mga magulang ko. ???Tapos ngayon panay sabi nya sakin ng bobo kahit pabir masakit parin un. ?? ANG SAKIT SAKIT TALAGA. KAWAWA KAMI NG ANAK KO. ?