Ano ang Kwento mo?
ako 8 years akong nagmahal at akala ko may Direction ang buhay namin ng asawa ko un pala wala akong kaalam alam na niloko niya pala ako. ung Masaya naming pagsasama mula 1-8 years ay biglang naglaho! at nagbago lahat ?ung akala ko may Direction ang buhay ko wala pala ???
Teenager nabuntis, parehas d nakatapos.. med. Student napangasawa ko at scholar sa UP..mahirap lng kmi pareho.. iniwan Niya ko pansmantala. Nung nanganak ako bumalik siya, bumukod kmi dahil n din sa mga magulang ko n napag sasalitaan siya n nambuntis pero wlang pang buhay. Galit din kuya ko skin dahil sinayang ko Ang opportunity, nag abroad siya para tulungan kmi makatpos. Ngayon araw araw ko pinag babayaran pagkakamali ko. Naging lasenggo napangasawa ko, emotionally abused, mabarkada, masipag nmn siya..pero d ko matatanggap n araw araw Niya sinasabi n ako sumira Ng pangarap Niya at buhay, Matalino siya. Consistent top sa class. Valedictorian Ng elem at hs (ateneo) scholar din siya s UST nung college, pero nag tuloy siya medicine sa UP, pero d ko Alam bkit Ang kitid Niya umintindi. Nag negosyo ako at humiwalay Muna sa knya, hanggang sa nagkaroon siya babae at isang anak sa labas. . Iniwan Niya din Yung babae dhil Wala siya ibubuhay bilang construction worker at bumalik sakin, hanggang sa naging 4 na anak nmin. Npatapos n nmin Yung 3 pero, Hindi ko din Alam pano ako nag tagal. Takot lang cguro ako masira pamilya ko. . At magaya sakin anak ko. Pro dahil sa pag titiis ko naging mas matalino sila. Kahit nakakaiyak pinag daanan nmin sa sobrang hirap na halos mahirap p kmi sa daga. Pero dahil nahirapan sila mas naintindihan nila n kailngn nila mag sumikap.Pero Kung itatanong niyo Kung nag bago asawa ko.. Hindi Po, nawala lng pagging lasenggo at mabarkada. Pero madalas pa rin Niya mamura, sisihin, at ipahiya sa harap Ng maraming Tao. Siguro Ang nag bago..manhid na ko. Alam ko n na di lahat dpat iniintindi. May mga bagay n d mo maiiwasan pero mangyayari.. nasayo n lng Kung pano mo ihahandle. . At manalig sa Diyos. Siya lng tlga Ang Hindi k sasaktan.
Magbasa paAwtsss.. be strong mumsh for your kids and future love..