Rant lang po, wala kasi ako makausap. Pumapatol ba sainyo si hubby/ lip nyo?

May nahuli kasi ako sa phone ng LIP ko na puro kalaswaan. Nanginig ako sa galit tas pinagsasampal ko sya tinulak tulak ko, humahagulgol na ko, pinagmumura ko sya. Tapos babawiin ko ung bag na binili ko sakanya nung araw na un, sa sobrang nabastusan ako, imagine tuwang tuwa ako regaluhan sya nung araw na un kasi wala na daw syang bag, tapos makikita ko ganon lang inaatupag nya, pinagtatapon ko ung laman ng bag nya, tapos bigla nya kong sinakal sa kama tas binatukan nya ko ng malakas. Ngayon sobrang sakit ng katawan ko saka leeg ko.. Nagmakaawa naman sya na patawarin ko sya kasi gusto ko ng makipaghiwalay, umiiyak sya.. Di ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Sabi ko sa sarili ko once na pagbuhatan nya ko ng kamay. Iiwanan ko na sya. Pero andito padin ako πŸ˜” EDIT : Di po ako preggy. Nakunan po ako dati sa stress dahil nahuli ko sya kausap nya ex at makikipagkita na sana sya. Madami na po akong chances para masampal sya pero di ko ginagawa. Umiiyak lang ako parati. Bago ko po sya nasaktan ng ganon, sobrang punong puno na po ako. Prior to this po, galing sya sa barkada nya, tinatawagan ko ng ilang beses ayaw nya sumagot. Kaya ko chineck ang phone nya. Which is ngayon ko na lang ulit ginawa. Di ko po alam pw ng phone nya. Di nya sinasabi sakin. At lahat ng apps nya merong password. Thank you po sa mga advice nyo. Opo mali ko din talaga na ako ung naunang manakit. Pero ngayon ko lang po ginawa un dahil sumabog na ko. Next time pipigilan ko na ung sarili ko. 😊☺️

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

If cheater siya o may kachat na iba at malaswa pinag uusapan iwan mo na kasi mauulit at mauulit na sasaktan ka niya. Pero if mga porn lang yan okay lang yan para sakin kasi syempre as a pregnant woman hindi naman pwede laging mag do. Minsan nga sabay pa kami nanonood.

hndi po sa ngmmarunong ako momshie pro tama ka once na sktan ka na nya physically you should have the courage to let go ksi sbi nga nla once ngwa nya yn syo ibg sbhin it could happen again... a man who truly loves will never hurt you in anyway, u deserve better...

siguro mag hiwalay muna pansamantala at parehas muna kayo mag palipas ng sama ng luob mahirap kasi yan baka maulit lang lalo na alam nya na papatawarin mo lang din pala sya wag ganun iparamdam mo sa kanya superior tayong mga babae di dapat tayo inaunderestimate.

Bat sakin balewala lang pag may nakita akong porn sa cp ni hubby minsan nga pinapanuod ko pa or parehas kami πŸ˜‚. Mga american naman yung tao. Lalo na ngayon malapit na manganak kailangan laging magana pantulong sa pag open ng cervix hahaha

4y ago

kailangan kumota ilang buwang ma te tengga πŸ˜‚βœŒοΈ

Wag mong subukin ang pasensya ni mister sis.. Kahit anong hinahon nyan my hangganan ang pagtitimpi nyan.. Kung galit ka, wag masyadong aggressive.. Pag-usapan niyu muna.. Actually, parehas kayong my kasalanan.. hehe

4y ago

Yes. Tama. Pag unawa at pagpapasensya hindi sakitan. Naging agresibo si mommy kaya nasaktan din sya.

sis mag isip kna ngayun palang lumalaban na sayo at nahuhuli mo nakipagkita pa sa ex nya dati.hindi na magandang sensyales yun para magtagal pa kayo. lalo na ayaw sabihin sayo password ng cp ng asawa mo.

iwan mo na girl... sakit lang yan sa ulo... baka aids hinahanap nya... d makuntento sa isa eh. nagawa nya na sayo yan kung papatawarin mo prang binigyan mo lang sya na pagkkataon na gagohin ka uliy

ano klaseng kalaswaan? kasi kung porn yan, lalaki yan momsh natural may mga kalaswaan yan sa cp. Lip ko nga kasali sa gc ng mga porn. Hinahayaan ko lang siya.

ikaw din nmn nagtulak s sknya na saktan ka biruin mo di ka muna naging mahinahon nanakit ka agad .. oa ka parang ganun hehe sorry to say

VIP Member

kung attitude na talaga niya ang manakit iwan mo na. .wala ng dahilan para magstay. .buti ngat wala pa kayong anak na madadamay. .