water for baby

naguguluhan ako, galing kame sa pedia ng anak ko kahapon for check up wala naman problema si baby gusto ko lng mamonitor lagay nea. Then tanong ni doc, pinapainom mo ba to ng water? sagot ko hindi, kasi pure breastfeed naman ako.. saka ung mga nababasa ko sa fb na until 6mos d pa pwede magwater ang baby since ung anak ko e 1month and 6days pa lang sya.. Tumawa lang sya, hindi daw un totoo pwede daw painumin ang baby pero small amount lang,. un din daw ang sabi ng mga doctor.. ano daw ba ang paniniwalaan ko mga doctor o ung post lang sa fb.

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

doctor ksi expert sila e. hahaha. pero pedia rin naman pinuntahan ko. actually nakatatlong pedia na din si baby since birth e. 3 mos ngayon lo ko. and from all those 3 pedias, same lang advice nila sakin, no water muna daw since pbf din ako. so until now, no water p din kay baby. tho one time, nakapainom ako ng kunti kasi medyo nagworry ako sa ubo ubo nta, but isang beses lang un. di ko na inulit kasi napagalitan aki ng asawa ko (na nagbabasa din naman about baby stuff, and ayaw magpainom ng tubig). Sabi rin pala ng midwife na nasa center, ang gatas daw natin ay full package. kumbaga, pagkain at tubig na nila. That's just the advice of those experts to my baby. kung nakita naman ng pedia mo ung lo mo at feeling nya need ng baby mo ang water, siguro follow mo nalang. profession nila yan e. just sharing my experience lang ako momsh

Magbasa pa