22 Replies
Hello Mi. Nag pa gupit po ako with undercut twice sa barber shop po talaga. 🙂 Ang alam ko po iwasan lang ang hair treatments pero I think safe naman po mag pa gupit. If ever sa salon po kayo papagupit magmask lang po para hindi malanghap yung amoy ng kemikal na ginagamit sa other clients. I respect naman superstitions pero Go lang Mi if it makes you feel more comfortable . You do you 🙂
Hindi po yan totoo, I respect po sa mga mapamahiin pero for me lang po di po pamahiin ang magtatakda ng buhay nyo, si God lang. Sa panahon ngayon na sobrang init, ok lang po na magpaikli, hanggat maari nga kung pwde barber para khit 3x ka maligo na binabasa mo pati ulo mo.
Ako nagpagupit kase nung naglilihi ako tamad ako maligo dahil tagal matuyo ng hair ko eh gusto ko pagtapos ko maligo makakahiga agad ako tagal matuyo kase paano ba naman Hanggang bewang buhok ko tapos pinagupit ko hanggang balikat para presko
nagpagupit ako mie 8mos na tiyan ko kasi mainit po at mahirap mahaba hair pag may Baby kasi hindi ka kaagad makakapag suklay😂 paniniwala/pamahiin lang po yung mga sinasabi ng ibang tao, wala naman po yung konek sa pagbubuntis mo.
don't ever believe in superstituous beliefs mommy, it is 101% not true, kuro kuro lang yang superstitions. Mainit ang panahon ngayon so oks na oks pagupit so go magpa glow ka na ng hair mo. para pak ang beauty kahit sobrang init :)
kasabihan lang yan mi. 1st baby ko nag pagupit ako wala naman masama nangyari tapos ngayon sa 2nd ko nag pa short hair ulit ako. sobra init e dina keri yung hanggang wetpaks na buhok 🤣😅
Its not true po. I was 8 months pregnant the time that I had haircut kasi init na init na ako sa mahaba buhok ko. Gusto ko lang magaan ang feeling kahit preggy 😊
Pwede naman sis dahil wala namang iaapply sa buhok pagnag pagupit.. Hair Dye/ Rebond at kahit ano pang treatment na may harsh chemical ay yun ang bawal po.
Always ako nagpapagupit mi kapag buntis kase pag nanganak na bawas worry na yung hair naten kase kahit pag suklay madalas di ko na magawa 😅
You do you. Kung ano mas comfortable sayo and will make you feel wonderful, go. Next na challenge sayo would be the postpartum hairloss.