Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Baka meron kayong ma recommend na pwede extra income sa tulad kong mommy na nasa bahay at BF po ako.
Mag end na kase yung contract ko as brand ambassador ng skincare sa December. Ayoko naman salubungin ang 2025 na walang extra income dahil ayoko iasa lahat sa partner ko. Kahit papaano gusto ko parin makatulong sa bayarin sa bills namin. Btw yung sahod ko sa BA ayun pinang babayad namin sa bahay at pambili ko diaper ni baby.
Cream for almuranas
Meron po bang mabibili na cream for almuranas na over the counter lang? Sobra sakit ng almuranas ko grabe nakalabas sya mahapdi na makati hirap tuloy umupo. Nagkaron po ako simula nung buntis ako hanggang ngayon nanganak nako constipated parin kahit more on water naman ako. Baka may maishare po kayo na gamot or cream for almuranas wala pa po kse budget pampa check up. Salamat po sa sasagot đ
Sino po may same case ni baby ko kagaya nito?
Eczema po ba âto? Tapos meron pa sya mga parang white patch sa ibang parts ng katawan nya
Water and salt as nebulizer
Gaano po kaya karami na salt ang ilalagay sa nebulizer? One month old po ang baby sana po may sumagot. Salamat po godbless
Enlighten me mga mommies para lumakas ang loob ko dahil kakapanganak ko lang CS
Nanganak ako May 10, 2024 via ECS hindi ko talaga expect na ma ECS ako sa lying In ako the. Nilipat ako sa metrosouth dito sa cavite 2 days kami Sa hospital. Umabot ang bill namin ng 137k to the point na sangla lahat ng gold na naipundar namin tapos buti yung sister ko pinagamit kami ng credit 30k awa ng dyos nakalabas na kami. Pag uwi sa bahay si baby hindi ko mapatahan gusto nya sa mother ko to the point na pag kay mama titigil agad sya. Hanggang sa hindi kona matiis umiyak na ko sakanila dahil nalungkot ako na dko sya mapatahan nahihiya na ko sa mama ko pagod na mag alaga saamin tas si baby sakanya lang sasama. Tapos may work ako as brand ambassador pino problema ko kung babalik paba ako dahil nanghihinayang ako sa sahod lalo na may bayarin kami na 30k tapos dami pang monthly bills na kailangan bayaran ayoko lahat iasa sa asawa ko naawa rin ako. Ngayon sumasama na si baby sakin unti unti na ko rin nagagamay sana makayan ko to lahat totoo pala na hindi madaling maging ina lalo na cs
Gaano ba katagal mawala ang sakit after ma IE?
Exactly 37 weeks na ako today. na IE ako 1CM na daw tapos pag uwi ko grabi sakit hindi na nawala feel ko lalong bumaba ulo ni baby sa puson ko bigla ako nahirapan tumayo at lumakad tapos parang nag ko contract na tyan ko. Possible ba na nag le labor na ako?
BPS ULTRASOUND Perfect score thankyou lord! đđđ„°
36weeks and 3 days na ako na IE ako kanina 1cm na daw. Sana hindi ako masyado mahirapan mag labor at kayanin ko ang panganganak praying for safe delivery sa mga TEAM MAY jan! đ„°
Pwede po ba ang atchara sa pregnant?
Nakita ko po kase na napanood ko na bawal ang hilaw na papaya sa buntis. Crave na crave pa naman ako dahil ginawan ako ng tita ko ng 2 garapon ng atchara Salamat po sa sasagot
Kelan po kaya pwede mag file ng SSS Maternity Benefit
7 weeks and 3 days po ako ang June 4, 2024 po ang duedate ko. Salamat po sa sasagot
Makaka kuha kaya ako ng maternity benefit sa SSS
Ako po ay may naka individual at may hulog po ako buong taon ng 2023 kaya lang 560 lang po yung binayad ko yun po kase pinaka mababa. Salamat po sa sasagot