Cheating

Nagloko na ba asawa or kinakasama mo? Anong ginawa mo after?

136 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi pa naman at wala pa naman akong napapatunayan na nagloko siya pero may babae na nag cha chat sakin dati sabi niya sakin tigilan na dw ng bf ko ang panloloko niya sa mga babae dun sa pinagtatrabahuhan niya at hindi daw kontento sakin yung bf ko kasi naghahanap daw sya ng bagong mommy (yan kasi yung tawagan namin) at 2 months na dw sila kahit kami pa tapos yun na iyak ako ng iyak hanggang sa tinanong ko yung bf ko kung totoo ba yun kasi kung totoo man willing na kong mag move on na lang at kalimutan lahat ng nangyari . At ang sabi niya hindi naman dw totoo at hindi niya din naman daw kilala yung babaeng yun pero hindi agad ako naniwala sa kanya kasi naalala ko yung joke nung pinsan niya na may gf na daw sya sa pinagtatatrabahuhan niya na teacher dw hanggang nag aaway na kami kasi bakit daw dun sa babae ako naniniwala bakit dw hindi ako naniniwala sa kanya nakakasira dw ng relasyon yung babae kasi kung ano ano pa yung pinagsasabi tapos naniniwala pa dw ako hanggang sa nag chat kami ulit ng babae tapos sa sobrang inis niya siguro binlock niya ko sa fb pero pagkatapos nun hindi na naman na ako nakukutuban sa kanya kasi wla naman siyang katext na iba maliban sakin at sa mga pinsan niya tapos yung fb niya puro group chat lang naman binigay niya kasi yung password ng fb niya nung nililigawan niya pa lang ako para daw mapatunayan niya na hindi siya magloloko at hindi niya ko lolokohin. Sa ngayon okay naman yung relationship namin tumatawag siya ng madalas tapos kinakamusta kami ni baby kaya napanatag na din ako kasi wla ng nanggugulo pero kung sakaling lokohin niya man ako (pero wag naman po sana) hinding hindi niya na ako makikita. Sinasabi ko nga minsan sa kanya na pag ikaw talaga nambabae iiwan na talaga kita at ang sagot niya naman hindi niya daw magagawa yun kasi alam niya yung pakiramdam ng iniwan at ayaw niya na din daw masaktan ulit kaya simula nung naging kami at tuwing nag aaway kami at sinasabi ko sa kanya na maghiwalay na lang tayo ang sabi niya ay ayaw niya. Kaya kampante na ako kasi hindi niya magagawa sakin yun at may tiwala ako sa kanya. Lalo na ngayon magkakababy na kami excited na din kasi siya.

Magbasa pa

Oo. This October ko nalaman. I gave birth ng August. I never doubted him about those things, going 5yrs kami pero one day (thank you Lazada) nakita ko chat, picture nila. Ika nga, walang sikretong di nabubunyag. Nagrereview sila for Physician licensure exam this November. Aspiring Ob-gyne si girl pero nanira na sya ng buhay ng sanggol. Pareho silang doctor pero sila pa magbibigay ng post partum depression sakin. Alam ni girl na magkakababy kami pero tuloy pa rin sa paglandi, bumigay naman ang tatay. Taas ng mga pinag-aralan pero ganun ugali. Cinonfront ko na sya after a week ko malaman and he chose her over us. But I asked him few days ago if 100% sure na sya na babae nya piliin nya... pwede ba raw hintayin ko matapos ang exam nya. Oo o hindi lang e, pinapaasa pa nya ko pero duda na ko na kami ni baby piliin nya kaya I'm trying to move on na.

Magbasa pa
VIP Member

Una inaway ko sya at nang babae nya then nalaman ko continue ulit relationship nila tas 2nd time around, nagpost na ako sa fb at pinahiya ko silang dalawa pero as a results,Wala parin at Hindi manlang natinag yung babae talagang kumakapit sa kinakasama ko kahit Alam nyang buntis ako ngayon. Then sabi ko sa sarili ko na hindi na ako makikipag away sa kanila or magpopost sa fb kasi kahit anong gawin ko kung gusto talaga nila kada isa wala rin ako magagawa, 3 days ko na di pinapansin at kinakausap kinakasama ko at nagtataka sya kung bakit daw nangblock ako sa fb and ano daw problema ko. Hindi nya kasi alam na alam ko na hindi talaga sila naghiwalay nung babae nya kaya pinabayaan ko nalang sya at wala na din ako pakialam sa kanila, pagod na rin ako kaya I'm just trying to be brave nalang.

Magbasa pa
5y ago

Bahala na po sila kesa pag aksayahan pa sila ng oras. Mga walang kwentang tao. Babalik din sa kanila yan.

Twice n cyang nagloko nung una iniwan ko cya at nag abroad ako pra mkmove on pra mklayo saknya kc sobrang sakit ng gnwa nya sakin. D ko expected n ssundan nya ko dito abroad tgen nagsma kmi ulit. Nangati yung kamay ko bgla ko chineck ipad nd phone nya may nkitabat nbsa n nman akong ndi kanais nais. Sabinko umuwi nlng cya at ayoko n wala nman pttunguhan tong relasyon nmin kya mbuti pa mghiwlay nlng kmi ng tuluyan tutal ala pa nman kming anak. Lumipas ang ilang buwan n ala kming kibuan, and nkiusap cya sakin n ayusin nmin relasyon nmin at ndi n nya uulitin nkipag ayos ako ulit sa pngatling pgkkataon n pg inukit p nya tlgang ayoko n gang sa nbuntis nko sa ngayon okay nman kmi at sana d n maulit yung nngyri nuon lalo n ngayon mgkkaanak nkmi.

Magbasa pa

Yes , mga ilan ulit na siguro but yung last talaga yung pinaka masakit kse nkilala ko pa si ghorl . Hiniwalayan ko sya kse at that moment i want him to fight for us ayoko nang ako nnmn yung aayos at mag hahabol sknya dahil lang sa may pag kukulang ako at nkita nya sa iba . Nag hiwalay kme , sinuyo nya ko to win me back pero i was so disappointed at ayoko na pero ayoko din maging selfish kase may batang maapektohan . I forgive him he promise me na mag babago na sya . So far after nang lahat Feeling ko at nakikita ko namn na nag bago na sya alam nya na siguro na at that moment kung ndi dahil sa bata wala na kme lesson na siguro sknya yun saka sinabi ko sknya na once na lokohin nya ulet ako wala nang usap usap were done .

Magbasa pa

Oo nagloko na sya. 5months na siguro yyng panganay namin non nung nagloko sya. Nov 2017 and nung june 2018 ko lang nalaman. Ex ng asawa ko yung babae. Then ayun nalaman ko mismo sa ex nya na nagkita sila at may nangyare sakanila. Kaya ko nahuli kase nagpanggap ako bilang asawa ko. Akala nung girl e ako yung ex nya. Kaya ayun nalaman ko lahat. Tinaggap ko ulit sya dahil nangako sya na hindi nya na ulit uulit. Awa naman ng Diyos e hindi naman nya na inulit. Pero yung tiwala ko hindi ko pa din nababalik gang ngayon. Hirap na magtiwala e

Magbasa pa

nakilala ako ni Lip wayback 2019. At first hesitant ako to entertain him since issue sakin na baka lokohin lang ako dahil single mom ako. Especially maitsura pa siya dahil may lahi although dito siya lumaki sa pinas. Pero naging kami 😂 And I told him na gawin nya na lahat wag lang syang mambababae, dahil kapag yun ang ginawa nya tapos tlga agad kami. So far pinatunayan at pinapatunayan naman nya na wala siyang ibang babae kundi ako at ang anak ko. Right now I'm 6 months preggy na and we're really excited 🥰

Magbasa pa
Post reply image

yes and he thought di ko alam 🤣nahulaan ko kaso password nya nun so alam ko ang password na di nya alam ewan ko may nafefeel akong kaba na ewan so binuksan ko nagulat ako may kachat sya parang nag uusap pa kung saan ilibre daw ang babae tas binubura bura nya message bwat reply nya 🤣di ko na sya inaway kahit super sakit ang ginawa ko blinock ko nalang agad si girl and tinitingnan ko kung hahanapin nya kasi once na hinanap nya nung mga time na yun tapos na kami ayoko nag aaksaya ng oras e🤣

Magbasa pa

subukan lang nya... alam nyang kaya ko syang iwan kaya never nya dw naisip n magcheat. walang second chance sken pag nagloko k goodbye n. nasa kanya un kung gusto nya sirain pamilya namin. awa ng diyos takot sya kaya d talaga nagloloko baka nga ako pa magloko eh. sa totoo lng. may past kasi sya ako wala kaya kaya ko talaga syang iwan gang ngayon d p rn ako makamove on n nkapagasawa ako ng may past experience mahirap dn pla.

Magbasa pa

Pitong beses na ko niloko ng lip ko! Ako pa naghahabol para di niya ko iwan. Awa ng diyos, nagkaanak pa kami at di kami naghiwalay. Kahit alam kong dipa siya nagbabago masaya narin ako basta di niya kami iwan ng anak namin. Naging positibo nalang ako na balang araw matatauhan din siya. At ang mahalaga naman ay sakin siya umuuwi at di sya nagkukulang sa pagbigay ng pera para sa pangangailangan ng anak namin.

Magbasa pa