Thoughts and feelings
Naglalabas lang po ako dito ng thoughts ko, kasi wala naman ako mapagsabihan. Pwedeng wag niyo na basahin. Ginawa ko na lang din diary tong app. Sorry po. 1 week and 5 days post partum po ako, ang dalas ko kwestyunin sarili ko kung kaya ko ba talaga to (maging mabuting nanay). Madalas pag umiiyak si baby, di ko siya mapatahan kahit nacheck ko na lahat, kung puno ba diaper sa wiwi, kung may pupu ba, kung gutom ba, kung may kabag ba. Pero di talaga siya tumatahan. Tapos pag nanay ko ang bubuhat sa kaniya, tatahan na siya. Naiinggit ako kasi parang kay nanay ang dali lang. Pag ako na, parang ang hirap ng lahat. Di ko alam kung tama ba mga ginagawa ko. Naiiyak na lang ako madalas pag tulog na si baby, iniisip ko kung kakayanin ko ba to. Don't get me wrong, mahal ko anak ko. Pinagdasal ko siya. She's an answered prayer, a gift from God. Di ko lang maalis sa isip ko na baka I asked too soon, na baka minadali ko masiyado. Ngayon, may binabayaran pa kaming utang kasi CS ako due to baby's late deceleration during my labor. Ang nasave up lang namin ni mister is for normal (I know, dapat pang CS talaga iniipon just in case, kaso nagstop kasi ako sa work kaya si mister lang kumikita until now). Nagkaka anxiety din ako kakaisip kung pano ang pang gatas, tubig, diaper, check up, bakuna at other needs ni baby. Parang ang hirap ng lahat. Iniiyak ko na lang ng palihim, kasi ayoko magworry si mister. Di pa ako makapag apply ng work ulit kasi walang magbabantay kay baby pag nagwork on site ako. Tinatry ko din maghanap ng online job para makatulong sana, kaso unpredictable pa din si baby eh. Madalas sa gabi siya talaga gising and mas need ng pagbabantay and alaga, eh ang online jobs na nakikita ko usually pang gabi ang work. Kaya eto, hanggang ngayon pabigat pa din ako kay mister. Lalo akong naiiyak kasi parang wala akong maitulong sa gastusin at sa lahat ng bagay. #1stimemom
soon to be mom of 4