Thoughts and feelings

Naglalabas lang po ako dito ng thoughts ko, kasi wala naman ako mapagsabihan. Pwedeng wag niyo na basahin. Ginawa ko na lang din diary tong app. Sorry po. 1 week and 5 days post partum po ako, ang dalas ko kwestyunin sarili ko kung kaya ko ba talaga to (maging mabuting nanay). Madalas pag umiiyak si baby, di ko siya mapatahan kahit nacheck ko na lahat, kung puno ba diaper sa wiwi, kung may pupu ba, kung gutom ba, kung may kabag ba. Pero di talaga siya tumatahan. Tapos pag nanay ko ang bubuhat sa kaniya, tatahan na siya. Naiinggit ako kasi parang kay nanay ang dali lang. Pag ako na, parang ang hirap ng lahat. Di ko alam kung tama ba mga ginagawa ko. Naiiyak na lang ako madalas pag tulog na si baby, iniisip ko kung kakayanin ko ba to. Don't get me wrong, mahal ko anak ko. Pinagdasal ko siya. She's an answered prayer, a gift from God. Di ko lang maalis sa isip ko na baka I asked too soon, na baka minadali ko masiyado. Ngayon, may binabayaran pa kaming utang kasi CS ako due to baby's late deceleration during my labor. Ang nasave up lang namin ni mister is for normal (I know, dapat pang CS talaga iniipon just in case, kaso nagstop kasi ako sa work kaya si mister lang kumikita until now). Nagkaka anxiety din ako kakaisip kung pano ang pang gatas, tubig, diaper, check up, bakuna at other needs ni baby. Parang ang hirap ng lahat. Iniiyak ko na lang ng palihim, kasi ayoko magworry si mister. Di pa ako makapag apply ng work ulit kasi walang magbabantay kay baby pag nagwork on site ako. Tinatry ko din maghanap ng online job para makatulong sana, kaso unpredictable pa din si baby eh. Madalas sa gabi siya talaga gising and mas need ng pagbabantay and alaga, eh ang online jobs na nakikita ko usually pang gabi ang work. Kaya eto, hanggang ngayon pabigat pa din ako kay mister. Lalo akong naiiyak kasi parang wala akong maitulong sa gastusin at sa lahat ng bagay. #1stimemom

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

tinatry namin lagi ipalatch si baby sakin, mommy kaso talagang naiinis siya sa konti ng supply. pero nagpapump naman din ako daily para kahit papano may breastmilk pa rin siyang naiintake. sana nga lang lumakas pa milk ko, di naman namin sinusukuan ipalatch si baby. and opo, napag-usapan na namin ni mister na sa center papabakunahan si baby kasi ang mahal sa pedia. si talaga namin kakayanin yun. salamat po, mommy sa pagpapalakas ng loob and sa magagandang tips and advise. pasalamat din ako kag mister kasi di naman niya talaga sinasabi, pinaparamdam o iniisip na pabigat ako. isa din siya sa nagpapalakas ng loob ko lalo nung buntis pa ako. ngayon kasi, di ko pa to sinasabi sa kaniya. nahihiya ako kasi ang weak tignan na naman 🥺 pero salamat, mommy. kakayanin po. para kay baby 💕

Magbasa pa