Di ko feel ung bond namin ni baby
Ako lang ba mga mommies ung parang hindi bonded kay baby? Di ko alam kung baket. Dahil ba di pa ready na lumabas sya. Preemie kasi sya at as in biglaan. Di ko alam. Don't get me wrong, I love my child. Di ko lang alam baket ganto ung feeling. Maybe post partum blues? Ayaw nya din magbreastfeed saken. Parang ang layo layo namin sa isa't isa.
mommy sad to hear it.. peru time will come mommy you will bond together with your beautiful child.. keep yourself close to your baby lang mommy.. sa pag BF mommy try it until dede na siya sayo.. kasi through BF makaka create kayo ng bond.. mahirap kasi postpartum di natin maintindihan sarili natin, di naman natin sinasadya yung makaramdam ng sadness and distance sa dating ugali natin.. minsan nababago talaga tayo yung ini expect natin while pregnant tayo, pag labas ng baby natin na iiba yung sarili natin dahil na din sa pagud, walang tulog and meron pa tayong ibang ginagawa while also healing our body and adjusting to the unexpected set up when our baby arrive. kaya mo yan mommy... mas okay nga kasi you acknowledge the truth sa nararamdam mo.. god bless mommy 🦋
Magbasa paMinsan nagbibigay lang po ng post partium sayo mamsh or baka po worried kalang po kasi lumabas na sya agad. May gnyan po talaga . Ako po normal pero ayaw dumede sakin ni baby. 🤦🏼♀️ pero dahil po ako talaga katabi at nagpupuyat sakanya . Malapit po kami sa isat isa at mahal nmin isat isa.. mas maganda po yung may peace of mind
Magbasa pathank you mi. siguro nga po post partum to. wala kasing pahinga at puyat talaga
May ganyan din akong feeling nung 1st time ko nakita baby ko. CS kase ako tas feeling ko pati emotions ko na-numb nung anesthesia. Pero as the day goes by and tuwing lilipas ang oras na nakakasama ko sya, nagg-grow yung love until sya nalang ang pinaka-importanteng nilalang para sa’yo ❤️
thank you ❤️ akala ko ako lang. mahal ko naman si baby minsan lang napapaisip ako.
Normal po postpartum blues, nafefeel ko din minsan nung una kasi di ko sya maalagaan ng ayos dahil sa sakit ng tahi ko. Hirap din sya maglatch sakin nung una pero tyinaga lang po namin. Pray lang po and magbobond din po kayo as days go by
thank you mommy. nakakagaan ng loob na hindi lang ako ung nag iisip ng ganto.
ganyan din ako sis sa panganay ko, i feel you,pero magbabago dn yan sis , cguro nga d pa tlga natin maxadong tanggap at first na nanay na tlga tayo pero habang lumalaki xa mamahalin mo xa ng higit pa sa buhay natin,
search mo mamsh how to deal with postpartum :D also proper ways of latching. minsan kala natin nirerefuse nila tayo pero un pala may proper position na dun lang sila comfy
thank you mi
Are you pressured by your situation, your baby’s condition and the people around you? Our baby needs us mama. Stay strong. Don’t be too hard on yourself.
tingin ko momsh ung situation ko. pressured ako na baket hindi ko mapa-breastfeed si baby. supportive naman lahat ng nasa paligid ko kaso wala lang ako kapalitan sa pag aalaga kaya puyat at pagod talaga
ganun talaga hindi agad paglabas eh naprocess mo na. :)
thank you mi
Postpartum lang yan Momsh. Fight it
thank you ❤️