Thoughts and feelings

Naglalabas lang po ako dito ng thoughts ko, kasi wala naman ako mapagsabihan. Pwedeng wag niyo na basahin. Ginawa ko na lang din diary tong app. Sorry po. 1 week and 5 days post partum po ako, ang dalas ko kwestyunin sarili ko kung kaya ko ba talaga to (maging mabuting nanay). Madalas pag umiiyak si baby, di ko siya mapatahan kahit nacheck ko na lahat, kung puno ba diaper sa wiwi, kung may pupu ba, kung gutom ba, kung may kabag ba. Pero di talaga siya tumatahan. Tapos pag nanay ko ang bubuhat sa kaniya, tatahan na siya. Naiinggit ako kasi parang kay nanay ang dali lang. Pag ako na, parang ang hirap ng lahat. Di ko alam kung tama ba mga ginagawa ko. Naiiyak na lang ako madalas pag tulog na si baby, iniisip ko kung kakayanin ko ba to. Don't get me wrong, mahal ko anak ko. Pinagdasal ko siya. She's an answered prayer, a gift from God. Di ko lang maalis sa isip ko na baka I asked too soon, na baka minadali ko masiyado. Ngayon, may binabayaran pa kaming utang kasi CS ako due to baby's late deceleration during my labor. Ang nasave up lang namin ni mister is for normal (I know, dapat pang CS talaga iniipon just in case, kaso nagstop kasi ako sa work kaya si mister lang kumikita until now). Nagkaka anxiety din ako kakaisip kung pano ang pang gatas, tubig, diaper, check up, bakuna at other needs ni baby. Parang ang hirap ng lahat. Iniiyak ko na lang ng palihim, kasi ayoko magworry si mister. Di pa ako makapag apply ng work ulit kasi walang magbabantay kay baby pag nagwork on site ako. Tinatry ko din maghanap ng online job para makatulong sana, kaso unpredictable pa din si baby eh. Madalas sa gabi siya talaga gising and mas need ng pagbabantay and alaga, eh ang online jobs na nakikita ko usually pang gabi ang work. Kaya eto, hanggang ngayon pabigat pa din ako kay mister. Lalo akong naiiyak kasi parang wala akong maitulong sa gastusin at sa lahat ng bagay. #1stimemom

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mums wag ka po mqgworry di lang po ikaw ang ganyan, ako din mummy kapanganak ko lang din 20 days palang kami ni baby. Noong una iniisip ko din if kaya ko alagaan si baby kahit wala ang asawa ko and beside andito naman MIL ko pero iba din kasi sa magulang mo tas may trabaho din MIL ko bale kami lang talaga ni baby naiwan. Iniisip ko din yan mummy pero need ko sulitin ang araw na kasama si LO ko kasi after 105 days babalik naman ako sa trabaho bilang isang frontliner. Ang masasabi ko lang moms need nating patatag, andyan naman po hubby niyo di kayo nyan pabyaan ni baby, tsaka magbabago payan si baby lagi nyo lang po tabihan si baby ipadama ang init ng iyong katawan. share ko lang dati iyak ng iyak din si baby kasi wala akong gatas then after 2 days from birth ni LO nagkagatas ako then pinapump ko nalang kasi di lumabas nipple ko, iyak ng iyak yung baby ko gang sinabihan ako ng pedia na ipilit ko daw padede tas sinunod ko yun after mga ilang days di na sya iyakin masyado satisfied na siya sa dudu.. 1st mom here mommy dont worry kaya natin yan ..

Magbasa pa