kapit pa o bitaw na?

Nagbreak kami dahil napagod na sya. I tried to fix our rel. Inamin ko lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko at naramdaman ko din yung halaga nya when its too late na. Then biglang may gf na daw sya. Alam ng gf nya na sinusubukan ko pang magkaayos kami ng ex ko dhil bukod sa mahal ko ay para din sa anak namin. Pero never syang pumalag at balak pa ako iblock sa account ng ex ko kung hindi tungkol sa bata ang ichachat ko. Tinanong ko si ex kung may nararamdaman bang konsensya o guilt yung gf nya na halos magmakaawa na ako mabuo lang kami uli, bakit di pa sya kusang lumayo/dumistansya. Hindi daw, wala daw nararamdamang ganun. Hindi alam ng gf nya na may maayos pa kaming communication ng ex ko at kung minsan naglalandian pa. Sinabihan din nya ako na kapag hindi sila magwork, sure daw na sa akin sya babalik. Yung gf nya ngyon, lahat binibigay at sinasakripisyo sa kanya. Lahat ng mga bagay na dapat ako ang gumawa, dun nya naranasan. Patay na patay, kumbaga. Without knowing na kahit sila na, may nangyari pa sa amin ng ex ko at binibigyan pa ko ng tips para magbago like "kung gusto mo ako bumalik sayo, ganito kasi gawin mo.. blablabah..." Ngayon, tinigil ko na ang landian kahit mahal ko pa. Naging cold na ako sa call at chats. Hindi naman kami kasal. Question is, tama bang kumapit pa ako at ituloy yung patagong paglalandian namin para sa kpakanan ng anak namin na may buong pamilya? O bitawan ko na sya at hayaan na lang kung babalik pa sya o hindi na, eh bahala na. Real talk advice po pls. Ps. To all the girls, dont be the reason why the other girl is crying on sleepless nights and why an inosent child is growing up fatherless. :(

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bitaw na... Please maawa k nman sa sarili mo. Sa tingin mo ba pag nagkabalikan kau maging loyal sya sa iyo? Ngaun palang na my relationship pa kau na oatago niloloko din nya ung girl. Binibigyan k nya ng tips n magibg ganto at ganyan, bakit d k b nya tanggap kung anong kaya mo lang ibigay?, 😔😔😔🤔🤔🤔

Magbasa pa

Sis pasensya na ha, gusto mo ng realtalk? Distansya ka na oi! My gf na dba???? Kahit my anak pa kayo kung hindi nmn kayo nag work noon wag na ipush. Ikaw lang ang mahihirapan at mag mumukhang tanga!! Gigil ako kasi my gnyan situation din ako kaya ako sayo itigil mo na yan MOVED ON!!!!

Ang selfish mo naman po. Ikaw po mali this time kasi may gf na sya so learn to let go lalo na kung pumasok lang gf nya sa buhay nya nung wala na kayo. Wag maging proud na may connection pa din kayo at may nagyayari pa inyo. Yung PS mo dapat iapply din sa sarili oks?

bitaw na po kayu. respect yourself and his now girlfriend. natural lg po na gnyan mfeel at gngwa ng girlfriend nya. if he truly loves you sana babalikan ka nya pero patuloy pdn sya sa secret landian nyung dalawa behind his girlfriend's back.

Anak mo nalang isipin mo mamsh. Parang parausan ka nalang e sorry for the word ha saka may karelasyon na siya te tama na po siguro basta kapakanan ng bata ang isipin wag mong hayaang gawin kang 2nd option ni guy. Stand up mamsh be strong.

Bitaw na mommy kc kung mahal ka tlaga bt d ikaw at ang anak nyo ang piliin nya total d nman cla married nung girl at pg aksayahan mo nlng nang oras c baby kesa don sa lalaki kc d kpa cgurado kung bblik yun sau.

VIP Member

Kainis naman yang ex mo feeling sobrang gwapo at ginawa ka lang plan B. Layuan mo na yan. Ginagawa ka lang nyan tanga.

Bitaw ka na po sis pero ipaglaban mo n lng yung mga narrapat sa bata, like support financially ng father

bitaw na sis..magkaroon ka din naman ng pride para sa sarili mo..mga ganung lalaki mga walang kwenta..

Ginagawa ka lang option payag ka non? Layuan mo na. Ex kana pala ih.