kapit pa o bitaw na?

Nagbreak kami dahil napagod na sya. I tried to fix our rel. Inamin ko lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko at naramdaman ko din yung halaga nya when its too late na. Then biglang may gf na daw sya. Alam ng gf nya na sinusubukan ko pang magkaayos kami ng ex ko dhil bukod sa mahal ko ay para din sa anak namin. Pero never syang pumalag at balak pa ako iblock sa account ng ex ko kung hindi tungkol sa bata ang ichachat ko. Tinanong ko si ex kung may nararamdaman bang konsensya o guilt yung gf nya na halos magmakaawa na ako mabuo lang kami uli, bakit di pa sya kusang lumayo/dumistansya. Hindi daw, wala daw nararamdamang ganun. Hindi alam ng gf nya na may maayos pa kaming communication ng ex ko at kung minsan naglalandian pa. Sinabihan din nya ako na kapag hindi sila magwork, sure daw na sa akin sya babalik. Yung gf nya ngyon, lahat binibigay at sinasakripisyo sa kanya. Lahat ng mga bagay na dapat ako ang gumawa, dun nya naranasan. Patay na patay, kumbaga. Without knowing na kahit sila na, may nangyari pa sa amin ng ex ko at binibigyan pa ko ng tips para magbago like "kung gusto mo ako bumalik sayo, ganito kasi gawin mo.. blablabah..." Ngayon, tinigil ko na ang landian kahit mahal ko pa. Naging cold na ako sa call at chats. Hindi naman kami kasal. Question is, tama bang kumapit pa ako at ituloy yung patagong paglalandian namin para sa kpakanan ng anak namin na may buong pamilya? O bitawan ko na sya at hayaan na lang kung babalik pa sya o hindi na, eh bahala na. Real talk advice po pls. Ps. To all the girls, dont be the reason why the other girl is crying on sleepless nights and why an inosent child is growing up fatherless. :(

36 Replies

3 words lang, KNOW YOUR WORTH.

Know ur self worth mamsh.

Ganyan din yung sitwasyon ko ngayon iniwan niya ako at pinagpalit sa mas malapit pero after ko umuwi hindi na siya nagpakita pa sakin saka tuwing mag uusap kmi sa phone palagi na lang kaming nag aaway kahit tungkol sa anak namin yung pinag uusapan namin kaya ang ginawa ko hindi ko na siya ulit kinontak at kinulit pa at nagpalit na ko ng number para sigurado na hindi na siya ulit tatawag sakin. Hinayaan ko na lang din siya sa babae niya kahit masakit nagparaya na lang ako basta ang importante nasa akin ang anak ko. Tanggap ko na rin naman saka nag decide na ko na palayain ko na yung sarili ko sa kanya at mag move on na kahit na wala kaming maayos na break up saka hanggang ngayon hindi niya kasi maamin sakin na may iba na siya kasi dinedeny niya pa din e. Nasa healing process na din ako ngayon atleast hindi na talaga ganun kalala kagaya ng dati.

Self respect po. Bitaw na. Kung mahal ka at ginagalang ka di makikipag ugnayan un sa iba. Hindi basta basta bibitaw. Mahirap na ikaw lang ung gumagawa ng paraan para magwork ung relationship nyo. Never beg to be loved kasi pag ganun hindi love ang tawag dun, awa lang. And you know na niloloko ka at niloloko ung isang girl for you. Do you want to stay in a relationship with a guy like that? Laging may rebound girl. Stay away from a toxic person and relationship. Love yourself and your child

Sis,parang ginagamit ka lang niya kasi alam niyang tatanggapin mo siya. Move on na sis. Di siya worth it dahil may iba nga siya maliban sayo kahit pa na may something kayo.

Mag move on ka nlang po. Para sa sarili mo. Marami nmang single parent Wag na po isiksik ang sarili. May gf na te ei

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles