Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob.

Nag hahanda na ko ng hospital/lying-in bag. Sabi ng lip ko bakit ko pa daw nilalagyan ng label yung ziplock ginagawa ko daw tanga yung nurse. Tapos sabi nya pa hindi naman daw need ng nasal aspirator si baby kasi hindi pa magkakasipon yun. Sobrang naiinis lang ako. Lahat na lang ng bibilhin ko lagi syang may question tapos sasabihin nya pa na hindi naman kailangan. Gusto ko lang naman na kapag nangyari yung araw na yun na kinakailangan yung isang bagay meron na agad. Masama ba maghangad ? Hays ๐Ÿ˜ฅ

40 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi naman po masama mag hangad. Sadyang excited lang taung mga mommy sa paglabas ni baby ๐Ÿค—. Mas maganda nga po na organised ang gamit. Sabihin nyo po na yung label ay hindi para sa nurse kundi para sa kanya kasi hindi tanga yung nurse ๐Ÿคฃchar lang. Yung hubby ko po nagtatanong kung saan ko ba daw nalalaman mga binibili ko, nadadamihan po siguro ๐Ÿ˜…. Tinatawanan ko lang tapos ineexplain kung saan gagamitin, naAamaze naman sya ๐Ÿฅฐ. Di kasi nila alam needs ni baby kaya baka iniisip ng lip nyo na masasayang lang. Wag nyo nalang po pansinin or sabayan ang bad mood nya.

Magbasa pa