Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob.

Nag hahanda na ko ng hospital/lying-in bag. Sabi ng lip ko bakit ko pa daw nilalagyan ng label yung ziplock ginagawa ko daw tanga yung nurse. Tapos sabi nya pa hindi naman daw need ng nasal aspirator si baby kasi hindi pa magkakasipon yun. Sobrang naiinis lang ako. Lahat na lang ng bibilhin ko lagi syang may question tapos sasabihin nya pa na hindi naman kailangan. Gusto ko lang naman na kapag nangyari yung araw na yun na kinakailangan yung isang bagay meron na agad. Masama ba maghangad ? Hays 😥

40 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang daming Jollibee dito. Yabang yabang eh hindi naman tinatanong ni Ate kung ang buhay nyo! Nagshashare ng sama ng loob tapos mga comment nyo about sa sarili nyo?

arte nman Ng lip mu sis pati Yan pinakikialam man nya mas ok na Yun lage handa sis Lalo na pg dating Kay baby Hindi ntin Alam mgyayari parang wla sya tiwala sa ginagawa nya Gyan sayo

Do whatever you want momsh. Dont stress yourself too much kc ikaw dn ang kawawa. Yaan mu nlng sya. Pag may sinabe sya ilabas mu nlng sa kabilang tenga mapapagod dn yan.

Ok lng yan momsh.. Bka si lip mo practical lng pero syempre itry mo nlng ipaunawa sa knya na importante tlga yung mga bibilhin mo. Kulang lng siguro kyo sa paguusap

hehe wag mo n lng pansinin. pag ganyan cguro hubby ko masasagot ko.. " o gusto mo ikaw n lng mag prepare?, daming kuda, pag nag kulang to ikaw sisisihin ko.. " hehe

4y ago

Why do I like this response so much haha

Swerte ko asawa ko hindi ako tinatanong ng ganyan noon. And if he ever did isa lang isasagot ko, "Bakit ikaw ba bibili/magbabayad?" boom paniiiisss 😂

mas maganda ung laging handa and sometimes mga lampin ng baby pinapagamit sa iba kaya dapat isang pares lng ng damit shoe and hand cover

SYMPATHY at di PANG IINGGIT ang need ni mommy. Ibang mommy dito makacomment lang pero lalo napapasama loob ni mommy. Haayyy..

sakin ng momsh nakalagay sa Ziplock at may label. sabihin mo para mas madali maluha at hindi magkanda hulog hulog sa kakahalukay

deadmahin mo lang momsh. haha wag mo kausapin hayaan mo manigas at langawin. haha char. 😂 dedma lang ganon. haha