Antenatal Breastmilk Expression: Sino po nagtry?

Nag-alala po kasi ako nung walang nagle-leak na colostrum sa breasts ko at nasa 38th week na ako. Nakakainis kasi nagpadala din ako sa mga sinasabi ng iba na baka wala daw akong gatas kaya ganyan. Balak ko pa naman po na mag exclusive breastfeed sa anak ko pagkalabas niya. Kaya nagresearch po ako at nakita tong antenatal breastmilk expression. Nagtry po ako ng massage sa breasts ko and may lumabas naman po na colostrum thank goodness (medyo nawala po yung pangamba ko na di ko mapadede si baby paglabas niya). Alam ko naman po na unli latching ang key para makapadede kay baby pero ewan ko ba ba't ako nagpapadala sa sinasabi ng iba. Kaya yun po mga momsh, may balak sana akong istore yung colostrum na maeexpress ko para madala ko din sa ospital pag manganganak na ako. Gusto ko lang makasiguro talaga na may mapadede kay baby. May mga binebentang colostrum alam ko, pero ayoko ng bibili pa ang asawa ko sa labas eh medyo strict pa naman ang ospital na napili namin patungkol sa paglabas labas ng ospital. Sino po ba nakatry nito mga momsh? Pashare naman po ng experience niyo ☺️

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply