Colostrum at 36 weeks preganant
Hello po! I'm currently 36 weeks and 1 day pregnant. Nakikita ko sa posts sa facebook na yung ibang mommies usually may colostrum na at this point. Ako po kasi wala pa kahit anong liquid or oil na lumalabas sa breasts. Umiinom na rin po ako ng M2 Malunggay, pero mukhang wala pa rin. Dapat po ba may colostrum na ako at 36 weeks or magsisimula lang yun paglabas ng baby? Thank you po! ☺️ #firstbaby #firsttimemom
lalabas yan mommy pag nandyan na si baby. 36 weeks ka palang naman. Hayaan mo lang, saka wag mo pilitin maglabas dede mo mi kase based lang sa experience ko ha, nun naglalabor ako pinapalaro ni doktora yun nipple ko para humilab yun tyan ko. Wag mo pisilin or pigain dede mo kung may lalabas para lang macheck if may gatas ka na or colostrum, baka humilab tyan mo. 3 days old baby ko nun nagkagatas talaga ko, nun mga unang araw nya parang tubig lang pero sabi nga ng doktor very little amount lang ng milk need ni baby pag newborn so di kailangan na may bonggang milk kana agad bago sya lumabas. Ingat lagi mommy.
Magbasa pa2 na anak ko, nagkakagatas lang ako 2 days after giving birth. pagkadetach ng placenta magsesend yan ng signal sa brain para utusan si breasts na magproduce ng milk.. connected ang uterus and breasts natin, kaya there will be times na pag nagpalatch sasakit ang puson. so di advisable na subukan magpalabas ng milk while preggy, baka mamaya hilaban ka. Also, the best person to answer your questions is your OB 😊
Magbasa pahayaan mo lang do not stimulate your nipples.. delikado baka mapaanak ka bigla 36weeks considered pa rin premature Buti Sana kung 37weeks na early fullterm na. kahit magka milk ka niyan ngayon hindi pa nganganak hindi pa rin yan colostrum... Pag nahiwalay na ang Placenta means Pag nanganak na saka lang magpproduce ng colostrum milk ang katawan Yun ang kelangan madede ni baby..
Magbasa palatch is the key mommy. ako rin noon nammroblema hehe akala ko walang gatas.. 37weeks din ako nanganak and 3 days after delivery ako nagkamilk.. basta ipalatch mo lang kay bby pglabas nya . magkkamilk ka din..huwag ka rin mastress o mfrustrate during latching.. mkkaapekto un sa milk mo ☺️☺️
relax lang po mi. ako din po nung nanganak tsaka pa lumabas ang gatas ko. mahina pa nga yub kaya kina ilangan ko mag mix kay baby. after a month tsaka sya lumakas kaya ngayon EBf ako sa baby ko at 8mos na. Pray lang mi and make sure na think positive lang po kaya. Ingat po palagi and Goodluck soon
Lalabas po ito kapag lumabas na si baby (yung iba nga hindi lumalabas ang gatas kahit nanganak na) yung ibang buntis meron siguro nag uumapaw ang prolactin hormone. Too much manipulation sa breast can cause contraction sa tiyan po
kusa lalabas yan paglabas ni baby ipadede mo. ganyan ginawa ko meron naman akong gatas nun. more milk lang, tubig, sabaw mga ganun.
3 days after ako manganak noon sa bby ko
wala po mhie tulog lng ginawa ni bby ko😅😅pero pinapalatch ko pa din kay bby flat kasi ako then bawal bottle sa hospital pero may tubig na lumalabas sa nipple ko yun cguro nadedede nya sa akin pa that time tas after 3 days doon na lumabas colostrum then milk na hehehe kahit flat madami milk na lumabas sa akin 4 months bby ko now 8kls na today😁😁wag nyo lng po isipin na di kayo magkakamilk tas sabaw sabaw and more water🤗🤗🤗
Mom of 1, soon-to-be 2.