Hi! Normal naman po na nag gegain ng weight baby ko. 3 months na siya and nasa 6 point something kilos and exclusively breastfed. Gusto ko lang ng other opinion from other people na hindi parents or in-laws ko kasi baka biased lang din yung judgment ko kaya ayokong makinig sa sinasabi nila about sa feeding ni baby. Since EBF, di ko alam ilang ounces nakukuha ni baby sakin but now na malapit na akong bumalik ng work, nasa 5ounces ng pumped milk ang nauubos niya. Pero po pag nagpapump ako, 3oz max lang nakukuha ko while nakabote siya (2 days pa po akong nagpupump but not exclusive kasi nakalatch siya pag gabi). Reason bakit may comment po sila na di sakto naiinom ni baby eh kasi madalas na siyang umiyak ngayong 3 months na siya. Hindi daw gaganyan si baby kung tama lang nakukuha niyang gatas. And it's not helping na parang nafifeel ko rin na bumababa supply ko. May times na umiiyak siya pagtapos ng dede. Ever since weeks old pa po siya, napansin ko po sakanya na ayaw niya talagang bumitaw kahit busog na siya and minsan nagagalit kapag wala na siyang nadedede pero ang dami niyang lungad kapag pinapaburp ko na which is sayang, sobra na pala pero ayaw niya tumigil. Pero hindi po yan always mga mi. May mga dede naman siya na alam kong satisfied na satisfied siya, and yun yung nagpapakalma sakin about sa supply ko. Ang nakakagalit lang po is yung mother in law ko. Ever since weeks old pa baby ko, lagi siyang may mga discouragement na nasasabi about sa supply ko which was not helpful at all. Pero kalaunan, umokay naman siya kasi nakita niyang marami yung gatas ko. Pero ngayon na 3months na si baby, may comment pala siyang ulit na ganyan na sa mother ko pa po narinig. Ngayon na nalaman ko, nakakasakit. Siguro natamaan pride ko hahahahaha iformula ko na lang kaya anak ko tas sila magbantay? Ewan ko ba. Lagi naman akong nagreresearch. Nakalimutan na ata nila na di lahat ng iyak ng baby eh gutom. Nakakalma ko naman anak ko. Nakakalma din ng mother ko. Si mother in law lang yung di nakakakalma, tapos ngayon may ganyan siyang comment. Naiinis ako kasi parang bumabalik sakin lahat ng discouragements niya nung nags-struggle pa ko mag breastfeed kay baby. Sino po ba may 3months old dito na minsan eh hindi maintindihan yung iyak o matagal makalma? Sigurado naman ho ako na hindi colic kasi di naman siya ganun katagal na umiiyak. Help po please? Sana may makarelate or sumagot para mapanatag lang din yung isip ko. Kasi nga baka tama sila at ako talaga yung mali huhu#advicepls #firstbaby #FTM
Read moreI'm not sure if OA lang ako para maoffend sa sinabi ng in-laws ko about how I was while I was still pregnant or talagang offending lang talaga yung tono nila. Or baka naman kasi hindi ko lang siya once narinig but many times, kaya ako naooffend at napipikon. Di ko po alam if this is true ha pero kasi yung baby ko po sumisimangot kapag parang nag-aabsorb siya ng nangyayari sa paligid (well that's how I interpret it) pero para sa in-laws ko, kaya parating nakasimangot raw eh kasi maraming iniisip na problema. Siguro daw pasan ko yung mundo nung nagbubuntis ako kaya ganyan si baby. I know I should take it as a joke. I did at first pero nung lagi nang nauulit, nakakapikon na, lalo na yung tawanan. Madali dawng tatanda yung anak ko kung ganyan. Naiinis din ako kasi di ko nagagawang sumagot na siguro dahil yung anak nila eh lagi akong binibigyan ng ikasasama ng loob ko noon. Di ko po alam kung totoo ha at kung may koneksyon, pero, thoughts on this? Totoo ba yun? Ewan ko ba bat napipikon ako kahit medyo tingin ko naman eh totoo pero baka naman may d-um-isagree diyan mommies? Lol #firsttimemom
Read moreWala pang 2 months anak ko masakit na siya sa kamay ikarga. Nung una akala ko muscle pain lang na mawawala after hot compress. Kaso parang palala nang palala yung pain sa thumb hanggang wrist ko, lalo na kapag bagong gising tas bubuhatin ko anak po para magpadede. Dun ko siya talagang nafifeel kaya ingat ingat na ako ngayon sa pagbuka ng mga palad ko kapag may ginagawa. Di ko na rin ma close open nang maayos right hand ko. Sa left naman, may parang nagagalaw sa loob kapag nabigla ko siyang gamitin. Sino rin ba nakaranas nito? Wala pa akong oras magpacheck up #FTM
Read more