79 Replies
Buti kapa po, baliktad naman po tayo ng sitwasyon, isa po akong guro na nagkamali at nabuntis sa di tamang panahon. Isang malaking kasalanan sa mga guro na magkaroon ng anak na hindi kasal. Pinakasalan naman po ako after 4 months, kasi hinintay pa ang Papa from US, pagkatapus po naming ikasal, sinubukan ko pong bumalik sa pag tuturo para magka kita naman at nasustinto sa pang araw-araw, kaso wala na po gustong tumanggap sakin kasi 6 months pregnant na po ako. Nag tratraining palang sa pagiging Pilot ang asawa ko, umaasa pa siya sa magulang nya. CPA ang Mama nyang Pinay sa State nila sa US. Nahihiya na ako, kasi tumugil ang asawa ko sa pag tratraining dahil sa pag bubuntis ko, at umaasa lng kmi sa magulang nya, gustohin ko man magkatrabaho, pero naka ilang rejection na ako. Ngayon 8 months na akong pregnant, wala pa kami pang gastos sa panganganak ko, iaaasa na naman namin sa mga magulang nya, pinipilit ako ng asawa ko ng na mag trabaho at naiinis narin ang Mama nya kasi hindi ako nag tratrabaho at umaasa lang sa knila, naprepresure na ako. At lalong nastrestress akong malaman na lahat ng gamit namin ay donation lng at hindi ko kayang bumili ng gamit ng sariling kong anak ko. Ano ba ang dapat kong gawin?
napaka swerte mo momshie ganyan din asawa ko at ganyan din pakiramdam ko ngayon naging highrisk din pagbubuntis ko pero nakapagwork pa ako ng 5 months tapos pinag resign nya na ako chef sya sa hotel kaya kaya nya kami sustentohan ng anak ko pero sa kagustuhan nyang mabigyan kami ng magandang buhay nag us sya chef padin doon di nya nakita baby nya nung pinanganak umalis kase sya nung march at nanganak ako netong May nahihiya ako kase sya lng nagwowork samin na feeling ko din npakaaliit ko walang silbi pero lagi nya nireremind na para sa amin yung gingawa nya at wala syang hinihinging kapalit kundi alagaan lng yung baby namin makikita n namin sya soon next yr March at excited n asyang makita kame lalo na ako haha alam na hπ€ͺ sabe nya wala raw syang pakialam sa muka ko sa katawan ko npakaswerte ko sa asawa ko π₯°π
Same po. I resigned from work the moment I learned about my pregnancy kaya hubby ko nagshoulder ng lahat ng expenses, halos wala akong ambag hehe but never heard anything from him. Siya pa nga ang nagsosorry everytime feeling nya hindi nya nabibigay mga gusto ko kahit hindi nman ako nagdedemand and actually good provider nman talaga siya. Sobrang nafefeel ko talaga kung gaano siya kasabik makausap kami after work kahit through vcall lang onboard kasi siya ngayon. Nakakataba talaga ng puso lalo pag sinasabi nya sa 'kin mga plano niya para sa family namin at lalo't alam kong nagsusumikap siya para sa aming mag-ina. Sobrang swerte na natin na nakapag-asawa tayo ng matino kaya wag nating kalimutan na eappreciate lahat ng efforts nila kahit gaano kaliit, and let's not fail to let them feel how much we love them.
I feel you mamsh kasi sa 2nd pregnancy ko bedrest din ako since december until now kya nka medleave din. My sss sickness benefits naman ako pero hindi ganun kalaki sa sahod ko pag pumapasok. Sya din lahat nagshoulder mula sa amort ng haws tuition ng panganay (private) gasto lahat. Wlang reklamo pero syempre as a wife mahirap lalo na at sanay ka na share kayo sa expenses. Dagdag pa na lagi ako nadadala sa ER dahil sa bleeding. Long journey pa aantayin ksi aug 2 pa EDD ko. Si husband pa naglalaba kasi d ako pwde kumilos sa bahay. Gusto nya kumuha kami ng ksama sa bahay pero i refuse ksi dagdag expenses un. Alam ko hirap sya pero dun ko nakikita na love na love nya kmi ng anak nya at itong angel na nsa tummy ko. Maswerte tayo mamsh... Thank you Lord
parehas po tayo ng sitwasyon ganyan din po ako. . maswerte sa asawa. . kahit di po ako sinuwerte sa tatay ko . . kabaliktaran ng asawa ko po ang tatay ko. . ang asawa ko po walang bisyo, walang barkada, di nambabae, at responsable po sya sa amin ni baby. . maasahan din po sa bahay. . kaya naguguilty po ako kasi di nako nakakapagwork sya po ang nagtratrabaho para sa amin ang dami nyang sakripisyo sa amin ng magiging baby namin. . kaya po mahal na mahal ko sya. . pagkapanganak ko po saka ako babawi. . magtratrabaho na ko pandagdag sa budget nmin. . konting tiis na lng po sa atin makakabawi din po tayo. .ipakita na lng po muna natin sa kanila ang suporta at pagmamahal natin. . π
aq dn wala aqng work. high school plng ntapos q pero ung asawa q well educated. pero d q dinadown srili q at nafeel n wla aqng silbi. kce for me mas mhrap ang work q sknya aq nag aalaga aq ng mga anak namin. pero sobrang blessed q dn sa asawa q kce sya lahat d2 sa bahay. taga laba, taga luto, taga grocery tagahugas ng plato,tagalinis ng crπ tagasupport dun sa anak q sa 1st.. nahihiya dn aq sknya pero never dn sya nagsumbat at cnbhan aq n mgwork n q.. cguro tlgang kung ano ung deserve ntn yun dn ung nakukuha ntn.. π ung 1st q sobrang loko pero minahal q ng sobra. kya ngaun cguro ung asawa q ngaun ang good karma q. higit pa sa inaakala q ung bngay ni lord. π
Yung HR din po namin yung nagayos, pinasa ko lang po sa kanila lahat ng documents na kailangan. Sa sickness po kung di kayo nakaconfine, kailangan maipasa nyo yung reqs within 5 days ng date ng Med Cert nyo. Kasi kung lalagpas po ng 5 days may chance po na di na maapprove yun kahit complete documents. Ninonotify lang po yung TL ko pag may cheke na thru email. Tas kukunin ko po sa office din namin. Mga 1 month po bago lumabas yung cheke ko. Di ko po sure kung gaano katagal bago kayo makakuha kasi po ako 30 days lang ng 30 days yung leave ko. Kaya every month yung dating ng cheke.
Ah kaya pala kasi watak watak pala po yung sainyo. akin kasi straight ng 3months nakalagay sa medcert. Approved naman na po lahat ng req, nagtaka lang po ako kasi everymonth po natatanggap nyo, yun po pala watak watak po pala pag file nyo. Nung naoperhan kasi ako sa appendix 2months bago ko nakuha, Salamat mamsh
Ang swerte mo sa hubby mo, mommy. Yung hubby ko simula lumabas baby namin, palagi nalang mainit ang ulo saken. Palagi nyang sinasabi na wala akong kwenta at tinatawag na mahina sa tuwing sinasabi ko na may masakit sa katawan ko. About sa nafifeel mo, wag ka po makonsyensya. Bawi kana lang sa kanya. Kahit konting lambing at masahe siguradong maaappreciate nya. Kung kaya mo pa po, luto ka ng favorite food nya at palagi mong sabihin sa kanya kung gaano mo sya kamahal at kung gaano ka kaswerte sa kanya. Pangarap ko ang masayang pamilya kaso malabo na dahil sa ugali ng asawa ko.
Same tayo sis. Malas ako sa partner ko. Sinusumbat lahat, ayaw pa nya sya lang magisa kikilos pag buntis ako. Gusto nya pa ata magwork padin ako. π’ Pasalamat sya gwapo sya. Kundi matagal na ko umalis π
I feel the same po kc working dn ako and d planned si baby pero nung ika 5th month nagstop na ako magwork kc nahihirapan na ako bumyahe. Nahihiya dn ako sa husband ko kasi nga siya lahat ng gumagastos pero swerte na lang since im a licensed PT nakakuha ako ng home care kaya kahit papaano yung mga gagamitin ni baby sa paglabas niya ako na bumibili like crib, damit and others. Wag ka mapressure mommy makakabawi dn tayo sa kanila. Ako parati ko siya nilalambing pag uwi niya ng bahay kasi alam ko pagod and stressed siya sa work. Kaya natin to =)
Same lang din tau. High risk ang pregnancy ko sa 2nd ko kasi may chronic hypertension ako kaya ako na ang nagresign at nagpahinga sa bahay, pero si LIP, hindi nya ipinaramdam sakin na PABIGAT ako sa knya, sa halip, sinasamahan nya akong magpacheck-up sa hospital, hindi nya ako tinitipid sa gastos ko sa gamot at vitamins ko, kapag pang-gabi ang pasok nya, hindi nya maiiwasan na nag-aalala sya kasi 2 kami ng anak ko na sa bahay, kinakamusta nya ako sa messenger kahit tulog na kmi, bumabawi naman ako sa pag-aasikaso sa kanya.
CassE