Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mom to a baby boy. Licensed Physical Therapist
makakalimutin
Sino po dito nakaexperience ng sobrang makakalimutin lalo pagkapanganak. Ako even pangalan ng mga kakilala ko nalimutan ko???
vaccine sa center
Mga mommy if nagvaccine si baby ng BCG and hepa b pagkapanganak sa hospital. Ilang weeks si baby niyo nung dinala niyo sa center for the next vaccine?
malunggay iced tea
Nakita ko lang kanina sa grocery and infairness masarap siya simula kasi ng manganak ako lahat ng may malunggay pinapatos ko na dumami lang milk supply ???
Baby Jude
Cadence Richard "Jude" October 15,2019 5:53 pm NSVD with episiotomy EDD By LMP Oct. 31 (37 wks and 5 days) EDD By utz Nov. 8 ( 36 wks and 4 days) Nakaraos na din totoo pala ang chismis hindi biro ang maglabor at manganak pero grabe sobrang sarap sa feeling ng makaraos Noong oct. 6 ng gabi nakaramdam na ako ng pain sa balakan the next morning meron pa rin with sakit sa puson pag ie sa akin 1 cm na ako. Nagpre term labour na ako dahil sa uti kaya pinainom pa muna ako pampakapit ng 3 days para atleast makaabot ng 37wks daw si baby. Oct. 10 nagpabiometry ultrasound ako para makita ang laki ni baby unexpectedly napansin ng doctor na maliit ang femur length (haba ng hita) ni baby late ng 1 month kaya sabi niya sa akin balik ako bukas ask niya ung other ob. Nagsearch ako ano possible reason lumalabas baka dwarfism. Grabe ang iyak ko nun kasi sabi ko if totoo man hindi magiging normal ang buhay ni baby. October 11 chineck nila at maliit daw talaga ang femur length ni baby pero yung ibang buto naman daw ay normal. Nagdasal ako at nagnovena kay st jude kaya bigla na lang parang nawala worries ko. October 14 nagpacheck up ako ulit sa ob para ibigay urinalysis ko. Naclear na uti ko pagkaie sa akin 2-3 cm na daw at manipis na ang cervix malapit na daw ako manganak. Kinagabihan pagtayo ko from bed may umagos na kaunting water balik kami sa hosp pero sabi d pa naman daw pumutok panubigan ko kaya uwi muna kami. Kaso pagkauwi namin tuloy tuloy na ang tubig akala ko naiihi lang ako ng walang control. 2 diaper ang napuno ko October 15 bumalik kami sa hosp upon ie 4 cm na ako pumutok na pala talaga panubigan ko. D na nila ako pinatayo direcho na sa room at ininduce na after 4 hrs dinala na ako sa delivery room sobrang hirap at sakit nagwawala ako halos umayaw na ako kahit anong push ko ang hirap talaga at bumababa na heart rate ni baby kaya napilitan si doc gupitin na ako hanggang sa pwetan. Matapos malabas si baby nakahinga na ako maluwang at okay naman siya at normal ang lahat kaya nasabi ko talaga Thank you Lord. Tiwala lang talaga mga mommies sa taas. Always pray
Urinary incontinence
Im on my 37th week and 5 days. Kahapon ng umaga nagpacheck up ako 2-3cm na daw and manipis na ang cervix. Kinagabihan nagulat ako may tumulong tubig sa akin kaya bumalik kami sa hospital ang sabi hndi naman daw panubigan ko nung pag uwi namin doon ko napagtanto na yung ihi ko kusa nalabas d ko siya macontrol lalo pag nakilos ako kusa siya nalabas. Nakadiaper ako now. Sino po nakaranas na ng ganito?
37 wks and 3 days
Malapit na po ba to? Yung sobrang bigat na pakiramdam sa pem? Na parang andun na si baby? Ang hirap na maglakad. Sumasakit na yung balakang ko and ung puson ko pero mild lang.
36 wks and 4days
1cm na ako pero 3 days ako pinaiinom ni doc ng pampakapit para atleast daw makaabot si baby ng saktong 37 weeks. May uti din kc ako kaya maaring siya nagtrigger ng pre term labor ko. Panay sakit na dn ng balakang and puson ko. Mga gaano kaya katagal lalabas si baby?
Dogs and newborn
Hi ask ko lang sino po dto ang may dogs na inaallow pa rin dogs nila na makasama sa room with the newborn? Kamusta naman po experience? I have a husky po kasi nag pageneral cleaning na kami ng room ko in preperation sa pag dating ni baby (36th week ko na po) kagabi sa room na siya ng parents ko pinatulog pero talagang d siya mapakali at nangungulit siya sa labas ng room ko. Nagiiyak na dn ako kasi naawa na ako and tonight i give in na po talaga kaya pinabalik ko na siya sa room ko. Iniisip ko kasi delikado yung balahibo niya sa newborn lalo husky mashed pero d ko kaya na malayo dn siya sa akin.
36th week update
*Hirap huminga *Parating hingal *Ihi ng ihi *Parang ngalay si pempem *Hirap na maglakad lalo pag malayo nasakit puson *Sobrang sakit na ng likod *Sobrang likot ni baby lalo sa gabi *parating gutom haha Unti na lang mameet ko na ang prinsipe ko Kayo mga mommies ilang wks na kayo and ano na update sa inyo?
lightening (pagbaba ng tyan)
Mommies ilang weeks po kayo ng mapansin niyo bumaba na ang tyan niyo?