Feelings
Na try niyo na ba tanungin si hubby niyo tungkol sa ex niya ? Ewan ko Bakit bigla ko syang tinanong kung sya ba naka virgin sa ex niya bago maging kami .. May konting Kirot saakin ? Pero Sabi niya Wala na daw yun tapos na .. matagal na panahon na daw yun .. Kayo kung , kayo yung nag tanong Ano mararmdaman niyo ?

Move on na. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Wala ka naman ng magagawa, parte na ng pagkatao at nakaraang buhay niya yung EX niya, kaya nga EX. Unless may contact pa sila o meron silang anak o meron silang pagkikita pang nagaganap. Pero kung wala naman na, para saan pa yung pag-uungkat mo. First boyfriend mo ba siya? Kung hindi, maiintidihan mo naman dapat ang sitwasyon niya. Ikaw ang nasa present, ikaw din naman siguro ang future. Ibaon na ang nakaraan at wala ka naman ng magagawa. Kapag mag-asawa na, hindi na maganda pag-usapan pa ang mga EX. Kung may currently nanlalandi o nilalandi siya, yun ang issue. Pero kung wala naman, good for you. Hindi healthy yang ginagawa mo. Pag-aawayan niyo lang yan, plus lalo mo siya napag-rereminisce ng nakaraan na hindi na sana niya naalala, hanggang eto ngayon at naungkat mo pa. Pray for the present, and future. Tapos na ang past, wala na tayong magagawa doon.
Magbasa pa