CS, Nakalimutan ko po sinabi ng Ob ko

na CS po ako nung Oct. 4 tapos nalinisan po ng OB ko yung tahi ko ng Oct. 6 bago po madischarge, ang nilagay po is Tagederm, Follow up check up ko po sakanya ng Oct. 15 okay lang po ba yun na hindi ko muna linisan yung tahi until bumalik ako kay Ob sa 15?

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

anu po ba sabi ng OB mo? ako noon hindi nya pinapalinisan araw araw. wag ko daw gagalawin unless may makita akong nagbago ung kulay nung bandage na nilagay nya sakin. 2 weeks after ko manganak non okay na ung tahi ko.

2y ago

di ko po kasi alam kung pareho tayu ng bandage na ginamit. mula nung na CS ako ng july 12, gasa pa lang nakalagay non, araw araw nililinisan ng doctor ung tahi ko hanggang magpalit na ng gasa to waterproof na bandage nung july 15. sabi nya wag ko daw tatanggalin at lilinisan hanngang mag follow up check up ako noong july 28. basta dapat lang na walang magbago sa kulay nung bandage. if magkaron ng stain meaning nagka problema sa tahi so kailangan ko na agad pumunta sa ospital. wala naman naging stain so nung pagka follow up check up ko ng july 28, tinanggal na nya ung bandage. maayus na din ung tahi.