Biyenang Hilaw
Hi mumshies , May tanong sana ako tungkol sa pag galaw galaw ng mummy itself para hindi kami mahirapan dalawa pag manganganak na. Yung Mumma po ng Boyfriend ko laging sinasabihan kami na Gumalaw galaw ako kahit 1st trimester ko palang ang reason nga po kasi PARA DAW HINDI KAMI MAHIRAPAN. 3Floors po bahay nila kapag mag CCR nasa baba kasi hindi pa ayos CR dito sa 2nd floor , Sumasakit lagi ang puson ko kapag akyat baba ako. Bakit ako akyat padin? dahil po andito kama namin , Nagwawalis ako sa umaga dito sa taas hanggang baba para lang pagpawisan at onting hiya ko nalang din , naghuhugas ako pero hindi na madalas. Sobrang selan ko po ultimo amoy sa lababo hindi ko kaya susuka agad ako , Sobrang hilo ako at sobrang sakit sa ulo. Na stress talaga ako sa Mumma si josawa dahil napaliwanagan ko na magpahinga lang raw ako sabe ng ATE , BESTFRIENDS NA MUMMIES NA At MAMA ko mismo dahil hindi biro ang first trimester. Yun nga po tanong ko Need ba talagang pilitin kong gumalaw kahit hindi ko kaya ? Ps. CS po sya sa dalawa nyang anak (Bf ko at bunso nyang kapatid) Ppps. Nasakit na puson ko kakaiyak ko at kaka akyat baba sa hagdan