dalawa ang puyo.,

Hi mums,. Ask lng ako,. Cnu po dito ung may baby na dalawa ang puyo Pero mabait naman., ?sabi kac nila Matigas daw ang ulo ng bata Pag dalawa puyo. Salamat

dalawa ang puyo.,
99 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Baby ko dalawa puyo, isa sa gitna ng ulo isa sa may noo. Nung una parang may attitude kc parang laging galit. Hehe nung bininyagan xa biniro kmi ng pari ba gabayang mabuti Kc nga dalawa puyo. Hehe pero nung nag full time mommy ako nung 9months xa tas ngayong 16months na xa, parang lumalaki xang sweet at nawala yung pasigaw sigaw niya dati. Lagi ko xang niyayakap. Minsan pinapagalitan ko slight pero niyayakap ko pa din. More on yakap at halik sa leeg, kamay, etc. malaking effect sa emotional at mental being ng baby.

Magbasa pa

Panganay ko dalwa puyo as in pantay na pantay yung mga puyo nya. Ewan ko ba kung matigas ang ulo kasi 1yr.and 8months pa lang sya. Super bibo nya at matapang lalo na pag naagawan ng laruan. Madami na ding nagsabi sakin na matigas nga daw ang ulo ni totoy kasi dalawa puyo nya. Pero naniniwala pa din akong depende sa klase ng pagpapalaki yun😁. Hehehe

Magbasa pa
VIP Member

3 po puyo ng anak kong babae 😂 Mabait naman na po pro tlgng makulit at magulo po sya nun baby pa. Hindi sya mapakali sa isang lugar, gusto lging me gngwa. Hehe pro good thing daw po un sb ng pedia nya at natural lng dw po sa mga bata lalo na sa mga toddler years na mging makulit at magulo kc po curious na cla sa lahat ng mga bagay sa paligid nila.

Magbasa pa

Depende cguro moms 1st baby ko.. 2 puyo pero d nmn matigas ulo .. Katuwang ko na nga ngayon sa mga gawaing bahay.. 5 years old pa lng xia pero marunong na sa gawaing bahay maasahan ko na.. Napakabait at masunurin na bata.. Depende po cguro moms.. Sana gnon din kabait itong 2nd bby ko ngayon lapit na din nmin xiang makasama.. Days nlng😇😇😇

Magbasa pa

Baby ko dalawa rin ang puyo. Soooooobrang likot at kulit pero ambait bait, hindi iyakin. Ayaw magpakarga. Naghihintay lang na bigyan sya ng gatas. Laging masaya, ngiti ngiti paggising. Sana gang paglaki nya ganun pa rin sya

Ung anak ko 7yrs old na ngayon sobra kaya pasway pero ang utak nagana sa school lagi nasa top sa school medyo madaldal at maurirat siya maypagka pabida din at pikunin lagi inaaway kuya nya pag napikon sa asaran nila

Tatlo po anak ko, lahat po sila dalawa ang puyo pareho sa tatay nila. Mabait naman sila kailangan lang gabayan, mabait din si hubby. 😊 May pinsan ako tatlo ang puyo niya, mabait naman siya.

Myth lang po yan mamsh. Panganay ko 3 puyo babae pa yon makulit sya maldita din tapos bunso ko 3 din puyo lalaki naman pero baby pa. Natural lang sa bata ang makulit mamsh

VIP Member

sakin mamsh ganyan po dalawa din puyo. 3months old palang pero mabait naman po. depende na lang po siguro sa pagpapalaki kasi yung panganay ko makulit at spoiled.

Baby ko po apat sa kanya 4months palang po cya saka bugnutin 😂😂sana magbago paglaki 😭 wag sana pasaway lalaki pa naman😂😂😂