Expanded Maternity Leave Law

Hi Mummys out there especially to those who are expecting their baby/babies for the month of April which is next month na!! I am sure excited na kayo like me and my sobrang kaba. :) I also know na like me, my mga questions kayo kung covered ba tayo nito kasi recently signed lang siya and most of us already submitted our MAT1. I have contacted our HR kase maaga din akong nag-leave to ask if I am covered with this new law. She said they are still waiting sa IRR. Since eager ako to know and its our rights naman natin yun kasi technically, di pa naman tayo nanganganak, nagresearch ako and as per news: “ Secretary Bello III - Usually given 90 days, pero we don’t intend to fully utilize the 90 days. Baka in 45 days, we will come up with it… We will expedite the IRR,” Ang mabilis na paggawa sa IRR ng Expanded Maternity Leave Law ay makatutulong upang makuha na agad ng mga buntis na empleyado ng mga pribadong kumpanya at mga ahensya ng gobyerno ang dagdag na benepisyong ito. “The law is always prospective but it can be retroactively applied if it is favorable to women,” sabi ni Secretary Bello. THIS PART REALLY GOT ME: “Lahat ng nanganak, ‘yung mga manganganak, they will be covered kahit wala pang IRR. Definitely in the IRR, it will be retroactively implemented,” dagdag niya. let's hope for the best! Di biro yung amount at malaking tulong to for us. based sa computation ko, for normal delivery before which is 60 days, we can only get PHP 32,000 which will be PHP 533.33 a day. Sa new law, we can get 105 Days PAID MATERNITY LEAVE and if you do the math, PHP 533.33 x 105 days = PHP 55,999 or a total of PHP 60,000 malaking tulong to at higit sa lahat more time with our babies!! Coordinate with your company HR as soon as possible and let's all hope na kasama na talaga tayo! God bless us all :)

34 Replies

Naitanong ko na din yan sa Hr namin bago aq magleave..My edd is May 19..tnanong q hr nmin..dko daw yun maaavail yung 105 days na maternity leave..Base sa pagkaintindi ko sa paliwanag nya..Once na Na irelease na ng sss ung irr..5 to 6mos pa daw ang validation nun..w/c is ang makaka avail daq na sure nun ay mga manganganak ng Ber months..Ask nyo padn po sa hr nyo qng same ng cnabi saken..

Try to check this link mommy https://www.smartparenting.com.ph/life/news/expanded-maternity-leave-law-irr-release-date-a00041-20190328 It explained there how and when to take advantage on the new law.

Ang alam ko nga talaga sis eh kahit wala pang IRR basta napirmahan na ni duterte pasok lahat ng manganak palang. Actually nag taas na ng amount ng contribution yesterday kaya malang nga nyan tumaas ang makuha natin. BTW sa march 28 and due date ko.. I'm hoping na makuha ko yung 105days na bayad since nag resign na ako sa company ko pero still updated padin ang hulog ko.

ask lang po kahit nag resign kana sa company mababayaran ka pa rin? tapos bukod pa yung makukuha mo sa sss?

Hi momshie!!! Ask ko if covered kaya ako sa 105 days maternity leave na inapproved ni pang. Duterte. Nanganak po ako nung March 20 2019. But ung computation na ginawa ng HR namin is from 60days lang. Pano po kaya yun.. Diko tuloy alam if for 105 naba ako or sa 60days lng ung leave ko after nun need na bumalik mag work ulit..

Hndi pa covered sis..according sa hr namin..nabbwiset dn nga aq..kz aq May 17 pa duedate ko..pero dko dn yan maaavail

sa nabasa ko hopefully May 1 i-release ang IRR. Ung colleague ko nanganak CS a day before irelase ang approved 105days good thing sa company namin inallow na ciang i-avail 105days though kapag finile ng company namin sa SSS ung normal 72days pa din. Out of goodwill na lang company namin un :)

sa case ko Kasi nag resign ako dec.20 pero na kapag file ako ng sept. and buong 2018 ko updated naman ang hulog ng employer ko sa may pa naman Ako manganganak hopefully ma implement na siya bukas mag papa compute ako kung mag kano Ang makukuha ko pag 105 days.

hi, kung kumpleto naman pwede yan kase at least 9 months na hulog. you can ask the nearest sss branch to clarify this one😀

Hi mga mommies. Try to check this link https://www.smartparenting.com.ph/life/news/expanded-maternity-leave-law-irr-release-date-a00041-20190328 It will show how and when a pregnant woman can take advantage on the EML. Hope this helps.

ask ko lng po , nag resign po kasi ako nung nov then ako na po mismo nag submit ng mat1 sa sss .. bale voluntary na ako continous naman hulog ko , ganun din po kaya range ng computation kahit voluntary ? thanks po sa makakasagot😇

ah sge po salamat..

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-128697)

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-128697)

hi po good day question lang, got my check just today lang po pero cover lang siya ng 60 days. And may EDD is april also po, so pag nag file ba ng mat2 yung other half makukuha mo rin? thabks

Trending na Tanong