problem

Hello momshiess, pasensya na di ako makatulog sa sobrang sama ng loob ko, pinagbuhatan kasi ko ng kamay ng asawa ko, sa sobrang kalasingan nya,iba sya pag lasing, di ko iniexpect na gagawin nya sakin yon dahil nangako sya sa papa ko na di nya ko pagbubuhatan ng kamay, napakasakit lang dahil umasa ako at akala ko kahit yon manlang matutupad nya, minsan nalang kami magkasama pero ganito pa nangyayari.. Nagwowork kasi sya sa ibang bansa so kakauwi nya lang halos 2days palang sya dito,. Inaawat ko lang sya kasi nagwawala sya tas yon sinampal nya ko.. 39weeks and 2days pregnant.. Pasensya na gusto ko lang ilabas sama ng loob ko

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Aw.. Kausapin mo sya mamsh about jan, hndi nman maganda na pagbuhatan ka nya ng kamay. Ang alak nilalagay sa tyan hndi sa ulo 😊 Ingat kayo ni baby 😇

6y ago

Mamsh natatakot ako dahil baka maulit ulit pananakit nya, may trauma na kasi ko sa ganyang pangyayari sa ex ko, nagsimula sa isang sampal hanggang nasundan na ng mga bogbog