Pangingitim ng kili² at liig.

Hi momshies! I just want to share some remedy how to lighten your kili² and liig. Di ako siguro kung effective to sa iba pero ito ginagawa ko na shinare ng pinsan ko. It is normal to have a dark underarm and neck sa isang buntis, pero ako mag 5 months na baby ko pero di pa sya nag light kaya nag worry na ako. My cousin told me to use baby oil po. Before po kayo maligo, maglagay kayo ng baby oil sa cotton tapos eh rub nyo sa kili² at liig nyo. Makikita nyo po na may mga itim talaga na madadala. Right after non maligo po agad kayo kasi ang init sa pakiramdam. After maligo, maglagay ng tawas sa kili² kasi napapansin ko, hindi naman talaga nangangamoy kili² ko pero nong naggamit ako ng baby oil, nangamoy na sya, kaya gamit agad ako ng tawas and so far, wala na agad amoy ng kili² ko. Sa ngayon, once a week ko po yan ginagawa at nagla light po sya so means effective sya sa akin. Add to lang po sa stretchmarks, I used vitamen e lotion. Yung itim na itim kung stretchmarks ngayon ay nag-light na po. Hindi po ako nagsasabing gawin nyo po dahil effective sa akin. Syempre po iba² po tayo, merong effective sa akin na di naman hiyang sa iba. I just want po to share baka makatulong. Thank you po.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

baking soda & lemon effective din pampaputi ng leeg & underarms