Baby Crib, Stroller, & Other Essentials
Hello momshies! Ask lang sana kung anong month ng pregnancy maganda bumili ng mga gamit ni baby gaya ng crib, stroller, bottles? Thak you!

Best time to buy ay pag may sale mi hahaha. Nag antay talaga ko 11.11 sale sakto 7months na ko non. Stroller na apruva na score ko ng 4700 lang dating 6k haha (check mo ngayon sa lazada or shopee ng baby company parang meron pa). Halos sinagad ko lahat ng needs nung 11.11 worth it kasi bukod sa sale talaga daming vouchers at cashback haha. Unahin mo na clothes, diaper, wipes, bottle, ganyan. Then regarding sa advice ng ibang mommies na di daw nila nagamit stroller, crib, ganern, iassess mo muna yung lifestyle nyo mi. 24/7 ka ba sa bahay and kaya itabi lagi si baby sayo? May kapalitan ka ba mag bantay at okay lang sa bed sya all day everyday? If yes baka di mo nga need. Pero like me na kelangan mag work and all feeling ko crib is a must talaga. Stroller, outgoing ba kayo? If yes it's a must. Ganon mi. Wag bili ng bili ng kung ano ano esp yung mga nauuso ngayon na mga oils and creams etc haha tignan mo muna ano sa tingin mo yung kakailanganin nyo talaga based sa lifestyle nyo. Check mo din san ka mag iinvest talaga. Tulad ako dahil after mat leave ko babalik ako office, nag invest ako sa magandang brand na pump. Ganon mi. Sa mga baru baruan dahil saglit lang naman magagamit bumili nalang ako ung mga 3 for 99 haha di na kelangan branded basta okay ang tela.
Magbasa pa



Rainbow momma