Baby Essentials

Hello mommies, ftm po ako tanong lang po kung okay na yung 5-10k budget sa mga gamit ni baby? hindi po kasama don yung mga crib, stroller etc.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

depende momsh sa diskarte mo rin. di ako masyado bumili ng maraming mga newborn things as per reco na rin ng mga friends kong momsh na rin like ung barubaruan kasi sobrang bilis lng lumaki ni baby. and be open din momsh sa mga hand me down from friends and relatives. pati na rin sa mga 2nd hand sale. as long as good condition pa naman. sa pagbili naman magcompare ka muna ng prices from different stores kng saan ka makakamura pero good quality. tip lng din, unahin bilhin ang laman ng hospital bag nyo ni baby. then saka mo na isunod ung iba pang need ni baby. unahin muna ung mga need nang gamitin ni baby. then ung mga sa tingin mo na long term gagamitin ni baby mas ok na bumili ng maramihan or in bulk or big sizes.

Magbasa pa

Depende if you're going to buy things ng brand new or pre-loved and kung gusto niyo may brand or unbranded. I-filter mo maigi kung ano sa tingin mo yung talagang magagamit niyo pang araw araw and kung saan ka maglalaan ng malaking budget. Kontian mo lang din muna mga bibilhin mo, once na manganak ka na that's the time na malalaman mo kung ano talaga mga kailangan niyo/ ni LO. Like samin, sa clothes pre-loved and 500 lang ginastos namin 50 pieces na yun ng onesies and iba ibang sizes pa, tapos yung iba hiningi nalang namin sa mga kakilala. Sa ibang items kami nag-allot ng malaking budget, like pump, dresser ni LO, stroller, carrier, etc. Pero hindi din halos nagamit yung stroller at carrier.

Magbasa pa
2y ago

Yes, that's true. Kaya when we started buying at 2 months yung mga binili muna namin yung pwede namin mapakinabangan if ever na di magtuloy nag pregnancy like storage boxes, trolley organizer, dresser.

Konting damit lang muna binili ko mi kase baka di rin magamit pag madami. Di pa din ako bumili ng bath essentials at diapers. Saka na pag malapit na manganak para new stocks makuha ko and konti konti lang muna kase mamaya di pala hiyang sa baby ko. Di ko din balak bumili ng pulbo baka hikain ubuhin lang baby ko pag nalanghap. 6 months preggy ang nabili ko pa lang is mga baru baruan, konting onesies frogsuit. Changing mat. Bonnet socks and mittens. Towels bimpo. Swaddle. Cotton buds. Baby kit yung may suklay, soft brush for mouth, nail cutter, thermometer, pang aspirate ng secretions. Kumuha din ako pantapal sa pusod yung waterproof.

Magbasa pa

depende po yan mi sa pagbudget mo. ako lahat sa lazmall ko binili gamit ni baby tapos lahat space saver like yung paliguan nya natutupi para di agaw space pag itatabi na. nakaka 6k na siguro kami di pa kasama yung mga stroller, carrier and crib. pero may dresser na ng baby sa 6k na yun. yung crib meron kami nakitang supplier na adjustable pero 980 lang sya and kahoy which is i think mas better.

Magbasa pa
TapFluencer

Hi mi ... okay na yan kung set of clothes na ndi branded ang need mo. And if on the practical side ang titignan kasama na ang needs jan ang damihan mo lampin & clothes na needed for the weather na madadatnan ni baby. Maraming mura na magagandang one piece & frog suite sa orange app. Tyagain mo na lang ng hanap.😊

Magbasa pa

depende po yan sa diskarte mo mii at sa pagbudget mo. ako nakaka 6k na di pa kasama stroller, crib at carrier. pero may nakita kaming crib na kahoy sya brand new kasi supplier 980 lang unlike sa lazada or online aabot ng 2k same wala pang beddings.

hello.mommy, depende po iyan sa pagbabudget mo po.. may mga items kasi na sobrang cheap ang price. at meron naman po talagang mahal. nasa inyong pagpili po ng item na bibilhin kung mapagkakasya mo po ang iyong inilaang budget ☺️

well para sakin as ftm na 1yr old na ang baby ko maging praktikal tau mash,sakto lang bblin mo. kz mblis lang lmki ang bata. sa totoo lang sa dmi q nbli nun d nia lahat nagamit kaya ending benta ko dn agad..

mga mhiee kung malapit lang kayo sa pasig palengke meron dun bilihan ng damit ng baby newborn hanggang 1yr old mas makakamura ka pa at makatawad pa hindi aabot ng 5-10k pataas, suggestions ko lang po

for me sa clothes bilhin mo 3-6 months na Lalo na pag Malaki na agad si baby Kasi Yung Sa baby ko na 1-3 months not worth it dahil saglit lang niya nasuot.