18 Replies
Best time to buy ay pag may sale mi hahaha. Nag antay talaga ko 11.11 sale sakto 7months na ko non. Stroller na apruva na score ko ng 4700 lang dating 6k haha (check mo ngayon sa lazada or shopee ng baby company parang meron pa). Halos sinagad ko lahat ng needs nung 11.11 worth it kasi bukod sa sale talaga daming vouchers at cashback haha. Unahin mo na clothes, diaper, wipes, bottle, ganyan. Then regarding sa advice ng ibang mommies na di daw nila nagamit stroller, crib, ganern, iassess mo muna yung lifestyle nyo mi. 24/7 ka ba sa bahay and kaya itabi lagi si baby sayo? May kapalitan ka ba mag bantay at okay lang sa bed sya all day everyday? If yes baka di mo nga need. Pero like me na kelangan mag work and all feeling ko crib is a must talaga. Stroller, outgoing ba kayo? If yes it's a must. Ganon mi. Wag bili ng bili ng kung ano ano esp yung mga nauuso ngayon na mga oils and creams etc haha tignan mo muna ano sa tingin mo yung kakailanganin nyo talaga based sa lifestyle nyo. Check mo din san ka mag iinvest talaga. Tulad ako dahil after mat leave ko babalik ako office, nag invest ako sa magandang brand na pump. Ganon mi. Sa mga baru baruan dahil saglit lang naman magagamit bumili nalang ako ung mga 3 for 99 haha di na kelangan branded basta okay ang tela.
hindi ako bibili ng crib at stroller mamshie. sayang lang kc magiging tambakan lang ng mga gamit nya yun for sure hehe. yung crib may sarili naman na syang bed kaya no need for the crib. taz yung stroller naman may nakita ako dun sa sis in law ko na natambakan ng mga kung ano ano kaya lalabhan ko nalang iyon at hihiramin. pero mostly ng mga needs nabili ko na pakonti konti at sinasabay ko na pag nag grocery ako dati para hindi mabigat. hindi ko nga namalayan hehe. Ngayong 8months na ako napansin kong tinatamad na akong lumabas hindi gaya dati na lagi akong nag wiwindow shopping, mas bet ko na ngayong matulog at magpahinga kaya naman tama lang pala na namili na ako dati para chill nalang ako ngayon. nalabhan ko nadin lahat ng mga damit ni baby last monthβ€
ngayon pa lang ako nag start bumili ng nga things needed (38 weeks and 3 days) like baby bottles, bath and shampoo, baby wipes, e.t.c, nag antay kasi kame ng naka promo, kagaya ng mga buy 1 take 1, ... others yung crib, stroller , baby bed, mga second hand na lahat pati car seat πΊ, needed kasi, mandatory dito sa abroad ang car seat,...pati ibang clothes ni baby, second hand din, nilabhan ko lang at nilagyan ng dis infectant para mas malinis. sa diapers hindi muna kame bumili, nag aantay ako ng diapers na ibibigay ng friends ni husband, para makatipid. π€£π€£. hindi nmn kasi kailangan na dapat brand new lahat. sa hirap ng buhay ngayon dapat maging practical na tayo sa lahat ng bagay. π .
suggestion ko mi, unti untiin mo ibuy and macomplete mo lahat ng gamit ni baby by 7months, kasi lilinisin mo pa, lalabhan (yes, kahit bago) and aayusin yung mga gamit niya. By 8th to 9th kasi medyo mabigat na tyan mo and ingat ka na magbuhat. Yung crib depende sayo if bbuy ka kasi ako di ko nagamit sa umpisa kasi malaki yung bed namin and co sleep si baby (mostly awake ka pgka newborn), same with stroller and baby carrier/car seat (2mos na siya ng nagamit ko) for bottles depende if breastfeed ka kasi during pumping mo lang naman gagamitin buy ka around 2 para palitan. If gagamit ka ng bottles dont forget yung brushes panglinis, sterilizer, container/dry rack na covered and liquid bottle wash.
Sa akin, before matapos second trime, every sahod, nagche-check out na ako sa Lazada paunti-unti. di mabigat sa bulsa Kasi installment Ang purchase. Nag ask ako talaga ng mga hand me downs na 0-3months old Kasi mabilis lang Sila lumaki. Lampin lang Ang binili Kong Bago tsaka bonets, socks and mittens. Yung diapers, wet wipes, cotton at mga consumables pwede unahin din. Agree ako Kay Mommy Callie na di masyadong gamit Ang crib, stroller. kung gugustuhin mong gumamit nyan for your baby, magtanong2 ka ng second hand or baka me hand me downs din.
yung essentials and clothes ni baby binili ko po nung alam ko na po yung gender ng baby ko 6 1/2 months. by 8 months nag start na po ako ng other needs nya like feeding bottles, baby bath tub, higaan and yung crib po this 9th month na po ako nkabili saka po utility trolley nya, bottle sterilizer, baby bottle cleaner set, detergent for baby clothes etc. hindi pa po ako naka bili ng Stroller preferred ko sana yung pwd maging car seat pero check muna budget. hehe EDD Dec 18, 22π€°π€±πΆ
pag nandyan na po baby nyo saka nyo isipin kung kakailangan nyo crib or stroller para hindi kayo manghinayang kung sakali. Sa iba kasi di talaga nagagamit at natatambak lang. baby bottles tama na muna 1or2pcs kung tingin nyo po ay magbebreastfeed ka po. yung iba mas magandang bilhin before pumasok ng 3rd trimester kasi mahirap na po maglakad lakad lalo sa mall kapag nasa 3rd tri.na. except na lang po kung online naman mamimili. π
saka ka na bumili ng crib stroller kasi yan ang for me ang mostly hnd gamit eh kasi mas ok pdin na co sleep si baby basta ingat lang. Stroller if hnd kayo palalabas sayang nakatambak lang. Anak ko ayaw sa crib,stroller,high chair eh at stroller bike π©For me bottle bili ka lang ng 2pcs lalo na if breastfeed ka and if hnd ka naman magplan na magwork agad kasi syang lang.
Bottles muna mi. Paglabas ni baby saka mo po iassess kung kailangan nya ng crib. Baby ko po kasi kaya ko lang binilhan ng crib para dun ko sya ibaba pag umaga. Mga 3 months sya nung binili ko yung crib. Yung stroller naman di ako bumili kasi wala pa naman ako balak igala si baby kahit 7 months na sya ngayon mahirap pa kasi madaming mga sakit sakit
Ako 7 months nako nagstart mamili, pero nagstart ako sa mga damit na need muna dalhin sa hospital. Tapos ngayon walong buwan na inunti unti ko naman ung mga nursing essentials nya, diapers mga ganun, wipes, bath essentials, tapos huli ko na bibilhin ung mga strollers sgro after ko na manganak.
Tey