SSS Maternity Benefit - Employed

Hi Momshies! Ask ko lang sa mga nakakaalam: Here's the situation, employed ako and dahil bago pa ang company, ako ang unang mag-aavail ng sss maternity benefit. Ako din yung nagpapalakad ng representative sa SSS kahit hindi ako sa HR kasi wala naman kaming HR, pinapirma ko lang yung Employer sa MAT1. Ngayon po, ang mga question ko is for the MAT2. May mga nababasa ako dito na inaadvance ang benefit kapag employed. Is it mandatory or depende sa employer? Can you share the sequence po? Like file muna ng leave kay employer, then ibibigay na sakin yung advance benefit, then pag nakapanganak ipapasa ang MAT2 sa employer for signature then file sa SSS, and lastly yung cheque na irrelease ng SSS is payable to employer na. Ganun ba yun? Please correct me if I'm wrong para magkaidea lang sana ako. Ang hirap kasi tawagan ng SSS. Salamat po sa mga sasagot.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi, HR Staff here benefits. Mat1 - Maternity Notification Submit to your Employer and sila ang mag fafile sa SSS online neto. And Mandatory po na kapag Employed ka is inaadvance po ang Benefits niyo dapat Before kayo manganak niyo marereceived ung Benefits . Depende nalng kung buo nila binibigay or 80% ng Benefits mo then ung 20% Pag napasa muna ung After Delivery (Mat2) na requirements. Mat1 Requirements: - Maternity Notification - 2 Valid ID'S - Ultrasound Report Mat2 - After Delivery Maternity Reimbursement Ipapasa mo yan within 30days after your delivery sa employer mo with all attaching documents para mapasa nila sa SSS ung Docs mo and para ma avail mo ung complete Amount of your benefits kung hindi binigay ng kumpleto nung Mat1 palang. Yung Reimbursement ng SSS sa Employer is Thru Banking po un kasi ung po ung Updated transaction ng SSS and mga Employer . Thank you po

Magbasa pa

SKL Nagsubmit ako ng Mat1 sa HR 9weeks then after two days nakareceived ako ng email and text from sss na nareceived nila ang notification ko. Then nagpunta ako ng sss office to verify kung legit bang inasikaso ng HR namin,sabi saken okay naman 70k daw makukuha ko.Then 31weeks full ko nareceived thru our payroll ung 70k. Depende pdin sa employer yan eh.

Magbasa pa

Sa company namin inadvance nila yung first half ng mat ben as long as nagpasa ng requirements for Mat1. After manganak nagsubmit ulit ako ng ibang docs including ang live birth para makuha ko yung 2nd half (mat2). According sa hr namin, babayaran lang sila ng sss pag naisubmit na yung mat2 requirements. Yung 1st half fronted nila.

Magbasa pa

Depende sa company sis.. Dun sa 1st baby ko yung dati kong company after pa lang mag pasa ng mat2 dun pa lang naibigay sakin yung SSS matben ko.. Pero dito sa 2nd baby ko at dito sa current employer ko inaadvance nila yung kalahati ng SSS matben mo then yung kalahati pag nakapagpasa ka na ng mat2..

Dapat employer(HR) ung nag submit sa sss ...required na sila ang magbibigay nito before ka mag maternity leave tapos ila nalang ang mag reimburse after mo manganak...you need to submit mat 2 parin...pwede naman ikaw ang maglakad pero makukuha mo ang benefit after mo pa manganak directly from sss

VIP Member

Dpende po s company un pero s batas po kc dapat abonohan ni company un. S araw mismo ng start mg ML mo dpat makukuha mo n dn un tpos ung mat2 ipapasa un ng employer s SSS pg nakapanganak ka na kasama ung requirements at pg labas ng check nakapangalan n un s employer.

Pwede pong abonohan ng company yung mat ben kung magkano po yung makukuha ng employee. May mga company naman na half muna ibinibigay and then sa mat2 na ibibigay yung other half.

depende din po sainyo yun mamsh, kasi may fini-fill upan na allocation form if whole yung kukunin mong matben or half before ka manganak and the other half after mo manganak.

Post reply image

Depende kc sa company yan ,ung iba ganyan pero kadalasan tlga after mo mkapgsubmit ng mat2 saka mo p makukuha lahat,ganyan din sa company namin.

samin inaadvance ng buo ng benefit huling cutoff bago magstart ang maternity leave. tingin ko depende nga sa company kung aabonohan muna nila.