SISTER IN LAW
Hi momsh.. pa vent out lang. 9mos preggy ako now & oo nakikitira kami ng asawa ko dito sa bahay nila pero aalis nadjn ako right after ko manganak babalik nako sa amin. Kumbaga andito lang ako para maalagaan ako ng asawa ko habang preggy kasi si hubby andito ang business nila hindi niya pwede g iwan. So ayun na nga.. si sister in law grabe makapag utos sa asawa ko nung nakaraan nainis nako at napuno kasi buong araw wala un asawa ko nasa business nila so buong araw ako walang kausap, walang kasama at wala ako magawa buong araw kundi maglinjs nalang ng kwarto namin para maibsan un inip ko. Dumadating asawa ko gabi na so sabik ako sa kausap at kasama tapos tong si sis in law may utos sa asawa ko na bumili ng gatas ng anak niya. Nainis na ko aalis na naman siya e buong araw na nga syang wala dito diba. Meron naman ibang pwedeng mag drive sakanya sa mercury. Palibhasa sobrang bait ng asawa ko hjndi marunong humindi. Kaya nun humindi siya at sinabe na nagagalit nako itong si sis in law nagalit din dahil hindi nasunod amg gusto niya. Mali ba ko don mamsh? Oras na namin mag asawa yun eh antagal ko siya inintay buong mag hapon siyang wala.. kumbaga off duty at tapos na task niya sa buong araw.. laaht ng utos ng ate niya sinusunod ng asawa ko ultimo magbayad ng credit card niya, mag hatid-sundo sakanya sa work, mag drive at magpasama kung san san. Lahat un OO lang ng OO asawa ko ngayon lang humindi. Tapos nun humindi asawa ko nainis at nagalit at ngyaon hindi kami pinapansin dalawa to think na buntis ako na parang hindi niya napag daanan pagiging buntis alam niya maramdamin at sensitive tayo. Btw seaman asawa ni sis in law kaya lagi naka dipende sa mga kapatid niya pero sana isipin niya na may asawa na un kapatid niya hindi na tulad dati na single siya lahat ng utos niya masusunod may responsibility na siyang need gampanan bilang asawa at ama. Hay nakakasakit at sama lang ng loob talaga gustong gusto ko na umuwi samin but ayaw ni hubby kasi anytime pwede ako manganak at mas malapit amg ospital dito kaisa kung samen kami manggagaling. Nag iiiyak ako sa asawa ko simula nun sa sama ng loob. Sa laaht ng mabubuting magawa ng asawa ko sa kapatid niya, sa lahag ng utos ma sinunod niya ito ang igaganti niya. Ngayon hindi sila okay pati ako damay na.