Moms and Dads ano kaya ang mga reason kung bakit sa isang relasyon may nanlalamig ?

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Isa sa mga dahilan ng panlalamig ay ang kawalan ng time sa isat isa . Laging busy sa mga ginagawa gaya ng work , kung mahalaga sayo ang pamilya mo bigyan ito ng priority . Oo andon na tayo na kailagan ng trabaho para sa ikabubuhay ng pamilya pero wag natin kaligtaan na ang main reason ng pag wowork mo is for the good of your family . Minsan di natin nakikita na nawawala na pala sa sirkulasyon natin ang ating pamilya lalo na ang ating mga relasyon sa ating asawa . Panatilihing mainit ang pagsasama , meaning feel each day like its the first time you met each other . Mga husband suyuin natin lagi ang ating mga asawa at mga wife bigyan din naman natin ng pagkakataon ang mga asawa na gawin yun at kung hindi man gumawa ng effort para magkaraon kayo ng bonding together .

Magbasa pa