Age of Gestation
Hello mommies! I just want to ask, alin ang sinusunod niyong age/weeks ni baby? LMP ko kasi is March 25, so ang due date ko dapat is December 30. But yung first ultrasound ko, January 10 ang due date ni baby. So sabi ni OB, yung sa ultrasound ang susundin. Kaso inultrasound ulit ako after a month, naging January 1 na yung due date ko. Tapos na admit ako sa hospital nung first week ng July so nag request ulit si Dra. ng ultrasound, January 4 na ang due date. Yun ang latest. Ano bang due date ang susundin ko? Yung pinaka una ultrasound ba? Or yung latest?
Mum of Twyla