Hi mommies,
Gusto ko lang magshare dito dahil wala naman ako makausap dito sa amin. Nalulungkot lang ako, hindi ko alam kung tama ba to o hindi. O baka nagiging sensitive lang ako. Alam niyo yung feeling na parang hindi ka pa pala handa sa lahat, maging nanay, maging asawa maging yung buhay mo ngayon. Nasstress ako, nalulungkot ako sa mga bagay bagay. May stretchmarks, nagsilabasan warts, naging haggard, ang daming nagbago. Hindi ko matanggap pero wala ako magawa kundi tanggapin. Tapos parang kakadirihan ka pa ng asawa mo dahil may stretchmarks ka na, andami nang flaws and imperfections sayo ngayon. Ni hindi ka niya masabihan ng ok lang yan, maganda ka pa rin, mahal pa rin kita, mawawala rin yan.. makikita ko pa nagmemake face na parang nandidiri. Nasasaktan lang ako pero di ako nagsasabi sakanya dahil kapag nagsabi ako baka isipin na naman nag iinarte ako, ang drama ko. Tsaka kahit naman magdrama ako wala naman pake yun, di lang ako papansinin. Never pa nga niya ako sinuyo e. Kahit man lang sana isang yakap lang na kusa niyang gawin hindi yung ako pa magpapayakap para lang mawala pagod ko. Tapos kapag makakatulog ako mahaba haba, gigisingin ako sasabihin mahaba na tulog ko. Imagine, 6am na ako natutulog gigising ako 9am kapag umabot ng 10am may maririnig na ako. Kesyo tanghali na , etc. Naiiyak nalang ako lagi e, syempre patago rin na naman ako umiyak dahil baka may masabi na naman sakin. Ang bigat bigat na, sobra! Pero kinakaya ko lahat para nalang sa baby ko. Postpartum ba to? π₯
Totoo pala to..
Woman glow differently when they're loved and treated properly.