POSTPARTUM

Hi mommies, Gusto ko lang magshare dito dahil wala naman ako makausap dito sa amin. Nalulungkot lang ako, hindi ko alam kung tama ba to o hindi. O baka nagiging sensitive lang ako. Alam niyo yung feeling na parang hindi ka pa pala handa sa lahat, maging nanay, maging asawa maging yung buhay mo ngayon. Nasstress ako, nalulungkot ako sa mga bagay bagay. May stretchmarks, nagsilabasan warts, naging haggard, ang daming nagbago. Hindi ko matanggap pero wala ako magawa kundi tanggapin. Tapos parang kakadirihan ka pa ng asawa mo dahil may stretchmarks ka na, andami nang flaws and imperfections sayo ngayon. Ni hindi ka niya masabihan ng ok lang yan, maganda ka pa rin, mahal pa rin kita, mawawala rin yan.. makikita ko pa nagmemake face na parang nandidiri. Nasasaktan lang ako pero di ako nagsasabi sakanya dahil kapag nagsabi ako baka isipin na naman nag iinarte ako, ang drama ko. Tsaka kahit naman magdrama ako wala naman pake yun, di lang ako papansinin. Never pa nga niya ako sinuyo e. Kahit man lang sana isang yakap lang na kusa niyang gawin hindi yung ako pa magpapayakap para lang mawala pagod ko. Tapos kapag makakatulog ako mahaba haba, gigisingin ako sasabihin mahaba na tulog ko. Imagine, 6am na ako natutulog gigising ako 9am kapag umabot ng 10am may maririnig na ako. Kesyo tanghali na , etc. Naiiyak nalang ako lagi e, syempre patago rin na naman ako umiyak dahil baka may masabi na naman sakin. Ang bigat bigat na, sobra! Pero kinakaya ko lahat para nalang sa baby ko. Postpartum ba to? πŸ˜₯ Totoo pala to.. Woman glow differently when they're loved and treated properly.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

grabe naman lip mo mommy dapat nga po mahaba pa tulog nyo at mag pahinga lang kyo palagi e. my lalaki tlga ganyan hindi sweet sa babae at pag my nag bago lang sayo konti nasa isip nila ang chaka muna .. ung asawa ko pag sinasabihan ako taba kuna ang itim ng kilikili ko sinasabe ko sa knya ang mataba naba ko at maitim kilikili ko ano pa inaantay mo hakutin mo lahat ng gamit mo lumayas ka dito smen mag hiwalay na tyo na papangitan kana pala mag hanap kana ng iba .. ganyan ako mommy tas biglang sagot nya joke lang naman be dika naman mabiro biglang yayakap hahalik tas mag aaya na πŸ˜… ako naman eto marupok πŸ˜…

Magbasa pa

i felt the same po, thoughts n im not yet ready pa ata tapos.andami nagbago, di n din makapagayos or makaligo minsan but when we look po sa baby natin it will be worth it lalo n po pag nakikita mo po development nya. siguro po focus.nalang muna po kay baby. sabi nga po nila saglit lang yung phase na ganyan sila ka needy. God gave us another purpose po and that is to be a mom. A new journey and mission po for us. with that in mind po siguro, we will go back to glowing knowing that God loves us. Godbless po.πŸ™‚πŸ₯°

Magbasa pa