137 Replies
THANK YOU PO SA INYO MOMMIES. UPDATE : Kakagaling ko lang po sa ob ko ngayon nagpa check up na po ako. Worried na din kasi ako, baka dengue na yung cause ng fever ko. Pina repeat ni doc cbc exam ko, ok naman daw ang platelet ko. Bumaba nga lang ang dugo ko, pati resistensya ko. Tapos may UTI pa ko. Niresetahan nadin ako ni doc ng mga gamot. Dami ko iinumin na gamot. HUHU! 😞
1 to 3 days mo mararamdaman yung bigat na yan. Lalo na sa 2nd day mas bibigat pa yan. Kelangan mo lang din tulungan ang sarili mo na maigalaw galaw kahit konti ang braso mo pero wag naman pwersahin kasi masakit talaga. 4days after vaccine, unti unti nang gagaan ang pakiramdam mo hanggang sa mawala na totally yung bigat after a week.
Hello . Ako nde ako nilagnat pero halos 2 weeks akong nde makatayo kse parang binugbog katawan ko then super bigat ng braso ko . Pero last turok ko ng ganyan 3days nalang tinagal ng sakit ng braso ko . 😊😊 tiis lang makakaraos din po tayo para sa baby naten 😊
Dapat po hinimas himas nyo/hinilot yung turok kasi po namumuo daw yun. Yung first turok ko po non, yup masakit tlga bigat pa ng kamay ng nag inject sakin sabe ng kapwa buntis ko nun hilutin daw para di mamuo. Done na ko sa twice inject ng anti tets 34 weeks preg.
same tayo momie nung naturukan ako 1st time kinabukasan biglang parang nanglambot ako sumakit mga joints ko tas nilagnat then nung pinapainject nako ng pangalawa ng Ob ko sinabi ko sakanya nilagnat po ako last time kaya un di na nia ko pinainject ng 2nd shot.
yung first anti-tetanus ko, sobrang sakit ng balikat ko, di ko maiangat, pero di ako nilagnat. yung 2nd ko, di na ganun kasakit. mabilis din nawala yung sakit. pang 3rd ko na sa 25. 4 na beses daw kasi dapat turukan.
Sabi ng OB ko lalagnatin daw ako after ng immunization pero hindi naman ako nilagnat, mabigat lang yung feeling sa braso, yung parang bugbog ang muscles, sabi sken warm compress lang daw para mejo mawala sakit.
ako tdap vaccine tinurok sakin (tetanus-diphteria-pertussis vaccine) pero di naman ako nilagnat at namaga lang yung injection site ng 3 days until nag subside.. Other than that, wala naman akong nafeel. 😐
pag nakakapunta ako ng clinic tapos may tinuturukan ng anti-tetanus, lagi sinasabi na "pag nilagnat ka inom ka lang ng biogesic" ayan po. may nilalagnat at merong hindi. pero masakit sya pag tinurok.
Normal po yung parang mabigat na ngalay na ngalay yung braso mo hot compress mo lang po para di mamumuo yung gamot, pero di po ako nilagnat sa dalawang turok ng anti tetanus sakin
Anonymous