Fever
Hi mommies! Sino na po sa inyo nakapagpa turok ng anti-tetanus? Nilagnat din po ba kayo? Tinurukan kasi ako nun nung Friday, then ngayon Sunday nilalagnat ako. And masakit pa din yung braso ko na tinurukan, mabigat na parang binugbog yung feeling. Ang hirap, ayaw ko talaga ng lagnat. ??
pwede naman mag biogesic pag my fever reseta un ng ob ko nung tinurukan din ako anti tetanu... normal po yang ilang days ngalay ang braso medyo matapang kc ung gamot as per my ob
Hindi po ako nilagnat , 7 months and 8 months ako tinurukan , mabigat lang sya sa braso , last week may fever ako pero.biogesic.paracetamol.iniinom ko peede namn un sa buntis .
Normal na lagnatin, mabigat sa braso pag vinaccine. Pero depende sa response ng katawan. Ako kase non hindi nilalagnat pero ung kasamahan ko nilagnat pareho lang tinurok samin
Hndi po ako nilagnat.. And hndi ko din po gaano ininda yung turok.. Medyo masakit nga po sya pero tolerable naman po.. Ihotcompress nyo po yung braso nyo sis
Ako din, natupukan, masakitbnga sya.parang namanaga sa loob. Palagi kung enexercise kamay ko kasi sobrang sakit. After 2days nawla na. D din ako nilagnat
di naman ako nlgnat nyan sis. ngalay lng braso. pero dapat after maturukan minamassage. cnabe ng doc yun. pero ung iba talaga pg vaccine nilalagnat eh.
ako sis 1st shot ko nilagnat ako ngalay n ngalay ung braso ska lambot n lambot ako pero after 2days ok n second shot ngalay nlng nfeel ko wla ng lagnat
normal lang yan sis. may maliit na chance talaga na lagnatin pagkatapos ng tetanus na vaccine. basta inom ng fluids, bed rest, chaka pahinga lang :)
mabigat lang sa pakiramdam . actually after q maturukan nag pahinga lang ako sa bahay then bandang hapon nag general cleaning pa kami ng hubby q 😂
wala pa co nagkalagnat but always common side effect basta nagvaccinate is mild fever po. nawawala lang din yan within a few hours or within the day.