37 Replies
Hi sis. Ako sinukat ko yong gown and wala namang masamang nangyaei infact masaya pa nga yong wedding fron ceremony to finish. Mas mahirap ata if on the day kapa magsukat at malalaman mo may mga kelangan pa ayusin. Also mahirap din on the day ka magka wardrobe malfunction. Masstress ka talaga. Anyway, hindi naman dyan nakabase ang pagsasama nyo ni hubby. Its all about you working on it together. Hehe. Dec 8 din plan namin noon but wala ng slot kaya namove sya ng 17 and so far ok naman. 😊
Ako po momsh sinukat ko ang wedding gown ko pero hindi po yun yung sinuot ko nung mismong wedding nagpatahi po kasi ako noon. Tapos nung naayos na wedding gown ko, hindi ko po sinukat kasi wala naman po mawawala kung maniniwala ka sa ganun. And nagpalit din po kami ng date kasi may date po na hindi available sa church and reception. Kami lanh po kasi ng hubby ko ang nagasikaso ng wedding kaya wala po kontra hehe. Sundin mo na lang po mother mo or mother-in-law mo para hindi ka pagalitan hehe
Not true. Kasi yung akin sinukat ko ng ilang beses. And the day before ako ikasal para malaman ko kung tama ba yung fit sken. And sabi lang nila na masama yung date na 21.kasi yung akin naman is nov. 21, masaya naman kami ng husband ko and ng nga kids namen, nasa tao lang yun kung paano nila iha handle yung problema as a married couple, syempre hindi naman lahat ng relasyon puro saya lang. Don't stress yourself, its your wedding. So dapat ikaw ang masusunod. :)
Sinukat ko po yung gown ko, bf ko pa nga pumili ng gown ko eh.. (asawa ko na ngayon) nagsukat ako dalawang wedding gown tapos sya pinapili ko kung anong mas bagay, yung pinili nya yung pangalawang gown. Kasama ko sya bumili ng wedding gown ko eh.. Pinicturan pa nga nya ko eh.. Habang suot yung mga gown.. Wala naman pong nangyari sis. Kinasal pa din kami at nagsasama ng tahimik at masaya..
Sukatin mo yung gown mo anytime you want and if there is a need to. I did try on my gown before several times kasi pa bago bago weight ko. And there is nothing wrong with that. They say, maghihiwalay daw eventually. My opinion, thats not true! Nasa sa inyo mag asawa yan at wala sa gown. Hindi naka depend sa gown ang relasyon nyo mag asawa kundi sa inyong dalawa mismo mag asawa.
Mas malas sis kapag hindi kasya yung gown sa’yo pagdating ng wedding day mo. Haha! 😅 Sa akin, sinukat ko talaga sya hanggang sa malapit na ang wedding namin lalo at ilang beses nagbago ang sukat ko. 5 fittings yun. Naging okay naman ang wedding namin. Everything turned out fine and I’m happy na hindi ako naniwala na hindi pwedeng magsukat. ;)
Nasasa inyo po iyon kung gaano kayo kadisidido ituloy ang kasal, hindi po totoo ang pamahiin. Nung kinasal aq ang dami din pong problem before the wedding and on the day itself pero nasurvive namin ☺. Sinukat ko po yung wedding gown ko at nagpalit din po kami ng date, overall naging successful po ang wedding namin at masaya kami mag asawa 😀
Congrats po! 😄Btw, nung kinasal po yung couzin ko, nakailang sukat din ng gown sya at natuloy at naging maganda naman po yung flow ng kasal. Minsan lang po ikasal and piliin nyo po yung date na magiging special po talaga sa inyo ni hubby mo, parang yung day lang na sinagot naten sila nung nanliligaw pa lang sila. 😊❤
Nagsukat rin ako Mamshi ng gown ko before the wedding ko kasi gusto ko makita if tama ba yung nagawa sa gusto kong design. mas delikado kung sa mismong araw ng kasal hindi pala achieved yung bet mong design tas di kasya. atleast pag sinukat mo, may idea ka gaano sya kasikip o kaluwag para makapag adjust.
How would you know po if its fit you right? That is not true, nakailang sukat ako before the wedding. 😅😊 and about the date kami din nakailang palit ng date kasi I have to consider my father's arrival since he is an ofw. Pamahiin are definitely NOT true. Plus your wedding, your rules. 👌
Mrs. L