Sagala At Wedding gown

Hello mga mommies, ask ko lang ano thoughts nyo about sa wedding gown na hinihiram ng kamag anak dahil gagamitin daw sa sagala. Naguguluhan kasi ako kung ipapahiram ko ba or ndi. Mag sasagala kasi yung anak ng pinsan ko na teenager kaso ang gustong gamitin na gown yung wedding gown ko. Ano po thoughts nyo dito? Iniingatan ko po yung gown ko kasi gusto ko po sya ipamana to my future kids. #Sagala #weddinggown

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

definitely no ang sagot. ginastusan mo ung gown so it can be beautiful at maipana pa sa anak mo kaya dapat u only use it for that hindi sa iba pang activities like sagala. mababawasan ung halaga ng gown kung may ibang magsusuot bukod sayo at sa anak mo o aasawahin ng anak mo. rent na lang sila.

Mi kung iniingatan mo para sa future kids mo, wag mo na ipahiram. Pero kung nag iinsist sila hiramin ipa-rent mo na same sa rate ng mga nagpapa rent jan ng gown sure ako di na hihiramin yan kasi may bayad e 😂 Pag nagalit sila, hayaan mo. Wag mo.itolerate ang mga entitled.

Magbasa pa

For me ok lang naman ipahiram basta in good condition nila ibabalik :) at isa pa, kung hindi mo rin ipapahiram pagmumulan pa yan ng misunderstanding at sama ng loob.

For me,di nman sa pagdadamot pag di mo pinahiram kase syempre andun yung memories. Tsaka tama ka dapat ang pangalawa na magsuot ay yung anak mo.